Jam Magno, trending nanaman dahil sa mga issues at b@shers ngayong linggo.

Jam Magno, trending nanaman dahil sa mga issues at b@shers ngayong linggo.

Muling nanamang umingay ang pangalan na “Jam Magno” sa social media nitong mga nakaraang linggo dahil sa kaniyang mga naging magkakasunod na pahayag laban kay Mateo Rabiya. Si Jam Magno ay isa sa mga taga-suporta ng adminastrasyon ngayon, siya ay nakilala sa kaniyang pag-tirada sa mga bashers at mga kritiko ng g0byerno, mapa artista man o normal na mamamayan ito. 

Siya ay unang nakilala sa TIKT0K nang kaniyang ipahayag ang kaniyang mga opinyon nang pag-suporta sa administrasyon, dahil dito ay nakatanggap siya ng pangba-bash ngunit hindi pa ganoon karami ang kaniyang h@ters noon.

C:\Users\NEM\Downloads\Jam-Magno-3.jpg

Photo from Jam Magno’s Account

Habang sa pag-tagal ay mas dumami pa ang kaniyang mga nakaka-away sa social media dahil sa kaniyang “mas maayos” na paraan nang pakikipag-argumento kaysa sa ibang DDS trolls. Kadalasan, siya makikipag-argument0 sa pag-uupload ng mga videos sa tikt0k na naglalaman ng kontent na maaaring “pag-depensa sa gobyern0” o “pang ci-critize sa mga b@shers ng g0byerno”. ‘Di tulad ng ibang taga-suporta ng gobyerno, siya ay may libo libong mga followers at tulad nang nabanggit kanina, siya ay ‘di hamak na mas organisado pag-dating sa pakikipag-argumento dahil sa kaniyang mga “facts” na pinagba-basehan. 

Ngunit dahil din dito ay nagkaroon siya ng magka-kasunod na mga kaaway ukol sa usaping p0litika na madalas ay nauuwi sa personalan. Ating balikan ang ilan sa kaniyang mga issue.

Jam Magno vs Agot Isidro

C:\Users\NEM\Downloads\147414104_1443504496015192_96006932719180882_n.png
Photo from Agot Isidro’s Account

Kilala si Agot Isidro dahil sa kaniyang mga patutsada laban sa G0byerno at bilang isang kritiko ng adminitr@syon, kaya naman ay napadalas ang laban ng dalawa sa social media. Palaging nagko-kontrahan ang dalawang personalidad sa internet, na sinusuportahan din naman ng magkabilang panig na mga taga suporta. Ang pinaka huling nangyari sa kanilang hidwaan ay nitong taon lamang pagkatapos mag-post ni Agot ng lumang litrato ni Jam sa Facebook. Sagot naman ni Jam dito, 

“It’s proof kasi Agot na kapag hindi ka negatron, ikaw kasi puro ka negatron kaya pumapangit ka at papangit ka at wala ng gaganda pa sa’yo,”

“Ikaw Agot, ba’t mukha ka paring palito hanggang ngayon?” 

Jam Magno vs Ogie Diaz

Photo from Kapamilya Kingdom video

Si Ogie Diaz ay isa sa mga taga-suporta ng Administrasyon noong unang mga taon , ngunit ‘di kalaunan ay naging kritiko na rin siya dahil sa pagka-dismaya sa mga kilos ng naturang gobyern0.

Kaya naman nung nagpa-bakun@ ang komedyante ay agad itong binash ni Jam Magno dahil daw panay sila sa pangki-kritiko ngunit sila rin itong unang nakikinabang sa g0byerno. At patutsada ni Jam ay agad binawian ni Ogie sa isang serye ng mga videos. 

Jam Magno vs Iloilo and Rabiya Mateo

C:\Users\NEM\Downloads\rabiya-4-e1621221567720.jpg
    Photo from Miss Universe

Si Rabiya Mateo ay ang opisyal na representative ng Iloilo bago ito maging Miss Philippines 2020. Kaya naman ang mga Ilonggo ang isa sa nangungunang mga taga-suporta sa kaniya sa paligsahang ito. Ngunit matatandaan na nitong nakaraan ay naging bokal ang Miss Philippines sa kaniyang mga opinyon partikular na sa pag-kontra tungkol sa usaping “hindi capable ang mga babae upang maging p@ngulo”. Ang kaniyang pahayag na ito ay muli, naka-agaw sa atensiyon ni Jam Magno.

Ayon kay Jam, 

“Need I remind you, madam, that you are a representative of the country to the Miss Universe pageant, … However, when your opinion[s] seek to divide more than unite, I am going to be your problem, madam,”

Pagkatapos ng pangyayaring ito ay naging hater na ni Mateo si Jam, at sunod-sunod ang mga naging patama ni Jam Kay Rabiya tungkol sa kaniyang “lack of fashion sense”

“I’m no longer going to complain about your fashion sense, which I cannot understand. Before you comment on national issues, focus on what you’re wearing first because that’s what’s more important,.. your arguments are too weak. I’m going to speak up because I have trained Ms. Philippines candidates who have competed in international pageants. I really liked you from the start but now, you’re just dry,”

Ang kaniyang mga naging pahayag ni Jam Magno laban kay Rabiya ay nagtuloy-tuloy hanggang sa araw ng Miss Universe event kung saan ay muling binatikos ni Jam magno si Rabiya. 

Dahil dito ay ikinagalit ng mga Ilonggo ang ginagawang pangba-bash kay Rabiya, at kanilang inihaing ito sa kanilang alkalde na i-deklarang persona non grata ang nasabing influencer. Ayon naman kay Iloilo Mayor Jerry Trenas, siya ay bukas sa usapin na ideklarang persona non grata si Jam Magno.


– Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.