TRENDING: “DAHIL SA BALUT, DIPLOMA AY NAABOT”

TRENDING: “DAHIL SA BALUT, DIPLOMA AY NAABOT”

Viral at trending ngayon ang graduation photo na i-pinost ni Jerdy Grace Araneta kasama ang tatay niyang si Mang Rodolfo. Sa kabila ng hirap ng buhay at sa kasalukuyang p@ndemya, ay ‘di maiiwasan ang labis na kawalan ng pera sa mga pang araw-araw na pangangailangan. 

At siyempre, mas lalong epektado rin dito ang edukasyon ng kabataan sapagkat ito ay binabayaran at ‘di ito basta-basta libre na magagawang kunin ng karamihan. 

C:\Users\NEM\Downloads\186961224_10160064631501977_8320275689024726355_n.jpg
Photo from Jerdy Grace Araneta

Kaya naman ay nag-trending ang kwento ng estudyanteng si Jerdy Grace Araneta na nag-sikap mag-aral sa pamamagitan ng perang inilalaan ng kaniyang ama sa pamamagitan nang pagti-tinda ng balut para sa kaniyang pag-aaral.  

Viral at trending ngayon ang graduation photo na i-pinost ni Jerdy Grace Araneta kasama ang tatay niyang si Mang Rodolfo. Sa kabila ng hirap ng buhay at sa kasalukuyang pandemya, ay ‘di maiiwasan ang labis na kawalan ng pera sa mga pang araw-araw na pangangailangan. 

At siyempre, mas lalong epektado rin dito ang edukasyon ng kabataan sapagkat ito ay binabayaran at ‘di ito basta-basta libre na magagawang kunin ng karamihan. 

Kaya naman ay nag-trending ang kwento ng estudyanteng si Jerdy Grace Araneta na nag-sikap mag-aral sa pamamagitan ng perang inilalaan ng kaniyang ama sa pamamagitan nang pagti-tinda ng balut para sa kaniyang pag-aaral.  


Photo from GMA News Facebook Page

Ayon sa post ng GMA News,

“Viral sa social media ang graduation photo ni Jerdy Grace Araneta kasama ang tatay niyang si Mang Rodolfo ng Siniloan, Laguna. BASAHIN: https://bit.ly/3oBJuau

Proud na proud ang mag-ama dahil makakapagtapos na ng senior highschool si Jerdy sa tulong ng pagtitinda ni Tatay Rodolfo ng balut!

Sampung taon nang balut vendor si Tatay Rodolfo at dito siya kumukuha ng pera pantustos ng pangangailangan ng kaniyang asawa at limang anak.

Dahil humina ang kita niya sa pagtitinda ng balut dulot ng curfew na ipinatutupad ngayong pandemya, suma-sideline siya ngayon sa pagtitinda ng pandesal, pangangalap ng basura, at minsa’y pagkukumpuni ng appliances.

Dahil batid ang hirap ng kaniyang ama sa pagtataguyod sa kanila, bilang panganay, nagpursigi si Jerdy Grace na tapusin ang senior highschool.

Kursong nursing ang planong kunin ni Jerdy sa kolehiyo at balak din niyang mag-working student para makatulong sa kaniyang ama.”

Ang kwentong ito ay nakahatak din ng napakaraming comments na na-antig sa istorya ng mag-ama.


                                                                               Photo from GMA News Facebook Page

Marahil tunay nga na mahirap ang buhay ngayon ngunit hindi ito naging hadlang para sa pamilyang Araneta, at kanila ring hindi ikinahiya ang naging trabaho na nag-silbing daan upang siya ay makapagtapos ng Senior High School.

– Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.