MANILA BAY, HINDI NA DINANAGSA NG BASURA, ALIMASAG NA

MANILA BAY, HINDI NA DINANAGSA NG BASURA, ALIMASAG NA

Minsan, sabi nga nila ang dagat ay nagtatampo sa ating mga tao kapag inabuso natin ang biyaya nito.

Ang ating karagatan, ilog, batis, baybayin ay puno na ng basura, imbis na isda ang makikita dito.

Marami ng mga anyo ng tubig na hindi masyadong naaalagaan at mayroon ng maruming tubig kung saan walang isda na ang nabubuhay.


Courtesy: ABS CBN
Makikita na ang Manila Bay noon ay mayroong napakaraming basura

Sa mga nagdaang taon, ang Manila Bay ay puno ng basura at ang tubig sa dagat napakadumi. Marami ng mga grupo ang nagsagawa ng clean up drive ngunit hindi maubos-ubos ang basura dito. Isa sa mga programa ng DENR ay ang rehabilitasyon ng Manila Bay at noong 2019, ideneklara ng DENR Secretary na si Roy Cimatu na opisyal ng magsisimula ang rehabilitation ng Manila Bay. Hindi naging madali ang kanilang aksyon dahil napakarami ng mga basura at ang tubig ay hindi rin ganon ka linis.


Courtesy of Philippine Star

Makalipas ang ilang taon, unti-unting nanumbalik ang buhay sa Manila bay. Hindi na ito puno ng basura dahil araw-araw na daw may naglilinis dito at marami parin ang namamasyal dito. Ayon sa mga video na inupload ng mga vlogger, makikita na ang alimasag ay dumagsa sa Manila bay. Nakaparami ng huli ng mga tao, hindi lamang pira-piraso ngunit ilang timba ang kanilang nakuha. Sa isa pang video sa youtube, makikita rin may mga isda naring nahuhuli dito at marami pang tahong. Labis-labis na natuwa ang mga tao dahil para bang hindi na nagtatampo sa atin ang dagat at naparakami na ang pwedeng makuha dito.


Courtesy of Kuya Rons TV Vlog

Hindi madali ang pag-linis sa Manila bay, subalit lahat ng hirap na iyon ay mayroon ding mabuting kinahinatnan dahil ngayon, hindi na basura o plastic ang makukuha rito kung hindi alimasag, isda, at tahong na. Kung dati ito ay problema ng ating lipunan, ngayon ang binibiigay sa atin ay biyaya na.


Courtesy of Kuya Rons TV Vlog

Ganon talaga ang kalikasan, minsan nagtatampo lamang ito pero kapag tayo ay natutunang pahalagahan at mahalin ito, tiyak napakaraming biyaya muli an gating makakamit mula sa ating karagatan.