HIDILYN DIAZ NASUNGKIT ANG UNANG OLYMPIC GOLD MEDAL NG PILIPINAS

HIDILYN DIAZ NASUNGKIT ANG UNANG OLYMPIC GOLD MEDAL NG PILIPINAS

Sabi nga nila, ang lahat ng bagay sa mundo ay nangangailangan ng panahon upang ito ay mahubog, tulad ng isang ginto kailangan muna itong dumaan sa iba’t-ibang proseso bago maging makinis, makinang, maganda, at bago ibenta.

Ang mga magagandang bagay sa mundo ay nangangailangan ng mahaba at masuring proseso tulad ng isang atleta na ilang beses nang madapa at mahirapan, ngunit hindi sumuko sa buhay, isang atleta na maraming pagsubok ang pinagdaanan bago siya maging isang kauna-unahang Filipino na maka uwi ng gintong medalya mula sa olympics.

Si Hidilyn Diaz ay nagsimulang sumali sa Olympic noong siiya ay 17-anyos pa lamang.


Courtesy: Philippine Fun Wall

Siya ang kauna-unaang Filipina weigtlifter sa Olympics at noong 2012, si Hidilyn ay nagwagi ng silver medal sa Southeast Asian Games.

Noong 2015 naman, siya ay nanalo ng gold sa Asian Weighlifting Championship sa Phuket, Thailand, Bronze medal sa World weightlifting Championship sa Houston Texas, at noong 2016, siya ay third-place sa Asian tilt sa Tashkent, Uzbekistan.

2018, si Hidilyn ay nanalo ng gold sa Asian Games, nabbed gold sa Southeast Asian Games noong 2019; nag uwi din siya ng silver noong 2017 sa Asian Indoor and Martial arts games at sa 2019 Asian Championships; at dalawang broze sa World championships.

Hindi naging madali ang naging pagahahanda ni Hidilyn para sa Tokyo 2020 Olympics, subalit kahit ganon pa man ang nangyari, ginawa parin niya ang lahat upang maiuwi ang unang ginto ng Pilipinas.


Courtesy: Philippine Fun Wall

Ang combined weight na naibuhat ni Hidilyn ay 224 kilograms na naging rason ng kaniyang pagkapanalo.

Sa sobrang saya, si Hidilyn ay napaiyak at sa unang pagkakataon sa Olympics, ipinatugtog ang pambansang awit ng ating bansa habang inaangat ang ating watawat.

Labis-labis ang saya ni Hidilyn dahil sa wakas, may ginto na rin ang Pilipinas sa Olympics at inaasahang siya ay makakatanggap ng mga premyo na nagkakahalaga ng 33 million.

10 million ang manggagaling sa Sports agency ng gobyerno, 10 milyon galing kay Manny Pangilinan at Ramon Ang, at 3 million mula kay Mikee Romero. Makakatanggap din umano si Hidilyn ng bahay at condominium unit mula sa Megaworld.


Courtesy: Philippine Fun Wall

Karapat-dapat nga na bigyan ng premyo si Hidilyn dahil siya ay nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Makalipas ang 97 na taon, maipagmamalaki na din nating mga Pilipino na tayo ay may gintong medalya na mula sa Olympics.