Agaw-pansin na dalaga naging viral sa pagtitinda ng banana cue

Agaw-pansin na dalaga naging viral sa pagtitinda ng banana cue


Sa panahon natin ngayon kung saan ay halos lahat ng tao ay netizen na sa social media, lahat ay pwede na magpost at makikita na ito ng buong mundo.

May ilan na rin nang dahil sa social media ay natulungan ng marami, may nalalaman tayo tungkol sa artista at politiko.

Napakadali na rin ng access upang malaman natin ang isang sakuna sa isang lugar. Bida rin ang mga fake news. At hindi rin pahuhuli ang mga indibidwal na biglang sumikat dahil nag-viral ang kanilang kwento. 

Source: therelatable.net 

Katulad na lang ng isang dalaga na si Yssa Nicole Nengasca, 16 years old na taga Brgy. Poblacion 2, Midsayap. Isang grade 11 student ng Notre Dame of Midsayap College.

Bagama’t nasa abroad ang ina nito ay nagawa pa niyang maglako ng banana cue upang makatulong sa pamilya dahil labis na napektuhan ang trabaho ng ina dahil sa pandemyang covid-19 na lumaganap.

Source: therelatable.net 


Ngunit hindi lang ang paglalako ng banana cue ang nagpa-viral sa dalagang si Yssa dahil ang paglalako ng paninda ay normal na sa ating bansa kundi ang angking kagandahan ng dalaga.

Animo’y mala artistahin ang dalaga. 

Agad pumukaw ng pansin sa netizen ang kagandahan ng dalaga.

Nasa kabila nito ay hindi niya ikinahiya ang gawain. Hindi alintana ang init at alikabok na nasasalubong niya araw-araw.

Bukod sa hitsura ay natatangi rin ang hangarin ni Yssa na makatulong sa magulang.

Napabilang sa millenial era itong dalaga kung saan ang mga ito ay isa sa bida ng social media dahil sa mga ginagawa nila online, gaya ng tiktok at nakakatuwang posts. 


Nahuhumaling rin sa gadgets at sarap sa buhay ang ilang anak ng OFW. Samantalang si Yssa ay bida sa pagtulong sa pamilya.

Na labis hinangaan ng netizen. Maganda na, tumutulong pa sa pamilya.

Source: therelatable.net 

Nakakatuwang isipin na may kabataan pa rin na mas iniisip ang pamilya kesa sarili nitong kapakanan. Saludo tayo sa mga kabataang katulad ni Yssa, maganda man o hindi ang importante ay may silbi sa pamilya.