Xyriel Manabat, umani ng reaksyon nang dahil sa kanyang dermal piercing

Xyriel Manabat, umani ng reaksyon nang dahil sa kanyang dermal piercing


Nagugulat na lamang tayo sa mga artistang may ibinabahagi tungkol sa kanilang personal na buhay. Lalo na ang mga dating child star na noon ay natutuwa tayo dahil sa galing nito sa pag-arte. Subalit nakakalimutan din natin minsan na tao din sila. Lumalaki at nag-iiba ang hitsura. May mga patuloy na nagpaka-wholesome at ang iba naman ay nagpapasexy. Karapatan naman nila iyon as long na wala silang ginagawang masama. Ngunit hindi rin sila nakakaligtas sa mga matang mapanuri at mga bashers na netizen. 

Xyriel Anne Bustamante Manabat o mas kilala bilang Xyriel Manabat na dating child star ay umani ngayon ng iba’t-ibang komento sa mga netizen. Sa kanyang instagram update ay ibinahagi niya ang kanyang mga larawan na may dermal piercing.

Source: Xyriel Manabat/IG


Makikita ito sa banda sa kanyang leeg at dibdib. Pansin na rin talaga na dalaga na itong 18 years old na actress. At napakasexy pa ikanga. Kung dati ay na bash rin ang actress dahil sa mga sexy pose niya sa social media. 

Sumikat siya sa mga teleserye ng kapamilya network tulad ng: Agua Bendita, May Bukas Pa, Noah, Nathaniel, at 100 Days to Heaven. Ilan lang yan sa kinabibilangan niyang teleserye kung saan nasanay tayo sa cute at bibong child star. 

Source: Xyriel Manabat/IG


Ipinangtanggol naman siya ng mga kababaihan na fans sa mga lalaking hindi maganda ang komento sa young actress. 

Ang dermal piercing ay kasama pala ito sa bucket list niya na balak niyang gawin noong December nakaraang taon pa. 

Masaya ang young actress sa pagbabahagi nito. Sa kabila ng iba’t-ibang komento ang natatanggap niya ay tila wala siyang pakialaman basta gagawin niya ang bagay na ikasasaya niya. 

Source: Xyriel Manabat/IG


Ngayon ay wala pang regular show si Xyriel. Ang huling seryeng nagawa niya ay noong 2017 pa ang Wild Flower. At ang pelikulang Mary, Marry Me noong 2018.