Toni Gonzaga at ilan pang celebrity wagi sa 5th Asia Pacific Luminare Awards

Toni Gonzaga at ilan pang celebrity wagi sa 5th Asia Pacific Luminare Awards

Ginanap sa magarang hotel Okada Manila ang gawaran ng awards mula sa Asia Pacific Luminare Award. Ang award giving body na ito ay nagbibigay parangal sa mga indibidwal sa larangan ng industriya, titans, corporate heroes, advocates of planet and people. 

Isa nga dito ay si Toni Gonzaga na ginawaran ng Philippines’ Most Remarkable Talk Show Host of the Year. Dating main host ng PBB at ngayon ay umaarangkada sa kanyang youtube channel na Toni Talks. 

Source: Asia Pacific Luminare Award

Heto ang ilan sa mga nagwagi sa gabi ng parangal. 

Yasmien Kurdi – Asia’s Valuable & Significant TV Actress of the Year. Kapuso actress na huling napanood sa Las Hermanas. 

Madam Inutz – Asia’s Most Phenomenal Vlogger & Promising Singer of the Year. Isang vlogger na naging housemate sa PBB Kumunity Edition. Na may current single na “Inutil” at “Marites”. At kasama sa cast ng bagong sitcom ng ABS-CBN na “Papa Pi” with Piolo Pascual at Pia Wurtzbach. 

Bugoy Cariño – Asia’s Multi-talented Celebrity & Phenomenal Streamer of the Year. Dating child star ng Star Magic na nasa TV5 na ngayon at napapanood sa “Wanted: Ang Serye”. 

Source: Asia Pacific Luminare Award

Rochelle Pangilinan – Most Dedicated Actress of the Year. Sexbomb Dancer, songwriter  at napapanood siya ngayon sa “Lolong” ng kapuso network. 

Ethel Booba – Asia’s Most Iconic Comedienne actress & Singer. Isang vlogger, freelance actress at isa sa mga hurado ng “Sing Galing” ng TV5. 

Herlene Budol – Asia’s Most Remarkable Comedienne of the Year. Nakilala sa Wowowin, gumanap na rin sa serye ng GMA na ” Madrasta” noong 2019.

Maruja Maestrado – Asia’s Most Iconic Showbiz Personality & Humanitarian Advocate of the Year. Dating tv personality noon pang dekada 80 mula sa Butuan City. Kasalukuyang humahawak ng Maruja Production Management and Events. 

Source: Asia Pacific Luminare Award

Ilan lamang sila sa mga panalong pinoy na naghahatid sa ating bansa at pinapatunayan na sa kahit saan man ay wagi talaga ang lahing Pilipino.