“What you see is what you get, let’s those things die down.” – Piolo Pascual
Nagsalita na nga ang kapamilya aktor na si Piolo Pascual tungkol sa mga pictures na kumakalat nila ni Shaina noong nakaraang taon. Makikita sa mga larawan ang sweetness ng dalawa ngunit ni isa sa dalawa ay walang pag-amin na sinasabi. Kasama rin nila sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago na hindi naman lingid sa publiko ang relasyon nila.
Noong 2017 pa na link sina Piolo at Shaina sa isa’t-isa ngunit puro pagtanggi lang naman sila. Hanggang sa naglabasan na ang mga larawan nila noong 2020. Nagsalita na si Piolo pero walang direktang sagot ang aktor. Hayaan na lang daw kong anong meron sila at masasabing may relasyon nga ang dalawa. Sa pagkakataong ito tila ayaw maging bukas ang dalawa sa relasyon.
Maraming nakarelasyon na din si Piolo ngunit walang nagtatagal. At naging isyu pa ang tunay na kasarian ng aktor magmula pa noon. Pero nanatili naman ang tatag ng career ni Piolo sa showbiz at isa siya sa pinakasikat na aktor sa kapamilya. Matatandaan na ang huling karelasyon ni Piolo ay si KC Concepcion. Si Shaina naman ay naging karelasyon si John Lloyd Cruz.
Samantala, may bagong aabangan na serye sa kapamilya si Piolo kasama niya si Lovi Poe ang “Flower of Evil”. Matagal din namahinga ang aktor sa paggawa ng serye. At ito naman ang pinakaunang serye ni Lovi Poe sa ABS-CBN mula nung lumipat siya galing GMA. Naging maayos naman daw ang locked-in taping nila at kaunti na lang ay matatapos na sila. Isa ito sa handog ng mga bagong show ng kapamilya sa 2022. Dagdag pa ni Piolo napaka professional daw ni Lovi. At maayos ka trabaho.