Kanin at Tubig lamang ang order ng isang lalaki, pinagbigyan ng mga service crew

Kanin at Tubig lamang ang order ng isang lalaki, pinagbigyan ng mga service crew

Hindi na bago sa atin na ang mga taga probinsiya ay nagpupunta ng Maynila o saang lugar sa Luzon upang makisapagsapalaran. Ang ilan ay nagtatagumpay ngunit mas marami ang nabigo at kong makapagtrabaho man ay halos kulang pa sa pansariling gastusin. 

Gaya na lamang sa kwento ng isang netizen. Si Earl Archievan Calixto, nang siya ay magawi sa isang sikat na fast food chain sa bayan ng San Fernando, Pampanga napansin niya ang isang lalaki na tanging kanin at tubig lamang ang inorder.

Sa awa ni Earl ay nilapitan niya ito at kinausap. Ayon sa lalaki, iyon lang daw ang nakayanan niya na order magkalaman lang ang sikmura dahil nagugutom na raw ito. Dagdag pa nito galing raw siya ng Tacloban, lumuwas sa Pampanga nagbabakasakali na makapagtrabaho upang maahon sa kahirapan sa kanilang probinsiya. 

Source: Earl Archievan Calixto/facebook


Kaya naman nag-order si Earl para sa lalaki ngunit ng ibibigay na niya ang order nito ay nakita niya na may chicken fillet na sa table ng lalaki. Bigay daw iyon ng mga service crew. Laking tuwa naman ng mama sa natanggap nito. 

Source: Earl Archievan Calixto/facebook


Nakakatuwang isipin na kahit papaano ay may mga tao pa rin na may malasakit sa kapwa. Maliit man na bagay pero tiyak hindi iyon malilimutan ng lalaki. Kahit papaano ay malaking tulong na iyon sa kanya.

At kahit hindi man kalakihan ang sahod ng service crew ay nagawa pa nilang magbigay. Kay Earl at sa mga service crew ng McDo San Fernando kudos sa inyong malasakit. Maliit man na bagay pero ang mahalaga ay ang pakikipag-kapwa. Na higit na kailangan sa panahon natin ngayon. 

Source: Earl Archievan Calixto/facebook

Sana mas marami pa ang mga katulad nila Earl. At tiyak na may mga kwento pa gaya nito na hindi lang nalathala. Isang magandang ehemplo ang ipinakita ninyo.