Pinagkakatuwaan ng netizens ang pustiso na inorder ng isang lalaki sa online shop

Pinagkakatuwaan ng netizens ang pustiso na inorder ng isang lalaki sa online shop

Sa pag-usad ng teknolohiya ay nagiging madali na ang maraming bagay sa ating paligid. At madalas ay involve ang online gaya ng socmed at mga applications na napakadali lamang gamitin.

May mga apps na pang-order ng pagkain, meron din pangkuha ng masasakyan at syempre sikat na sikat ang online shopping. Pindot ka lang sa smartphone makakaorder ka na kahit ano. 

Source: Weng Barbadillo Formentera/facebook 


Ngunit hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa mga online transaction at kadalasan nito ay hindi na maibabalik ang pera mo. Gaya na lang sa post ng isang netizen na si Weng Barbadillo Formentera na naging katatawanan sa socmed. Ibinahagi niya ang larawan ng isang lalaki na soot-soot ang inorder na pustiso sa Shopee. Naging katawatawa ang naturang larawan dahil hindi angkop ang pustiso sa gilagid ng lalaki. Umusli ito at hindi na maisara ang bibig. Kitang-kita din ang tagilid na hitsura ng pustiso. Umani ng katatawanan ang mga larawan nito. 


Source: Weng Barbadillo Formentera/facebook

Subalit mukhang tuwang-tuwa pa ang lalaki sa larawan na imbes magalit ay ginawang katatawanan na lamang ang pangyayari. Pinagkakatuwaan man natin ang ganitong pangyayari pero may malaking aral ito.

Hindi lahat ay nakukuha o nabibili natin online. Bukod sa magandang sinasabi ng seller ay hindi naman natin ito nahahawakan o nasusuri ng mabuti at hindi natin tiyak ang quality ng produkto.

Magbabayad ka ngunit walang katiyakan sa produkto at hindi mo pa mababawi ang pera mo. Kumbaga take it at your own risk. 

Source: Weng Barbadillo Formentera/facebook


Kalimitan din sa mga nasisisi sa maling produkto ay ang mga delivery rider na wala naman talaga silang alam sa kwalidad ng inorder mo. Hindi ka nga nahirapan sa pagbili kaso hindi rin tiyak ang mapupunta sayo.

Pero malaking tulong ang online shopping lalo na sa panahon ng pandemya. Ngunit piliin lang ng mabuti ang produkto na bibilhin.

Ang mga maseselang bagay gaya ng pustiso ay kailangan ito ng personal na pag konsulta at tamang pagsukat upang maging maayos at hindi katawa tawa ang magiging hitsura mo.