Toni Fowler itinampok ang bagong bahay na mala-mansyon

Toni Fowler itinampok ang bagong bahay na mala-mansyon

Waging-wagi ang napakalaki at napaka bonggang mala-mansyon na bagong bahay. Panalo talaga sa ganda ang bagong bahay ng kilalang vlogger na si Toni Fowler o Mommy Oni na itinampok niya sa kanyang vlog noong New Year’s day. At tinawag niya itong Toro de Palacio. 

Ipinasilip ni Toni sa madla ang bahay na may malawak na garahe sa harapan nito.

May malawak din na sala na nais niya daw gawing dance studio. Tampok rin ang bonggang grand staircase at nagbiro pa siya na baka pumayat siya sa pag-akyat dito.

May malawak din na dining area kung saan excited siya dito dahil sa lawak nito ay pwede na daw kakain na magkakasama silang lahat.

Dati daw ay hirap sila na magsama-sama sa pagkain dahil sa maliit na espasyo sa kanyang condo. Meron din itong high ceiling at sosyal at magarang pailaw. Idagdag pa natin ang kalokang indoor swimming pool. May malawak din na backyard na balak daw niya gawing gym. 

Source: okayy.net

Excited ang content creator sa lilipatan nilang bahay. Bukod sa pwede na silang magkakasama kumain ay hindi na rin daw sila mairereklamo kong mag-ingay man sila. Dati daw sa condo limitado doon dahil dikit-dikit ang bahay. At malawak na rin daw ang lugar para sa mga bata at alaga nilang aso. 

Screencap: Toni Fowler vlog

Naging kontro bersyal din itong si Mommy Oni dahil sa kanyang mga content sa vlog. Di maiwasan ang mga bashers kong saan laging present yan sa socmed. Ganunpaman, ay nagbunga rin ang pagpupursige ni Mommy Oni at nagkaroon ng napakalaking bahay. Dagdag pa ay proud din siya sa kanyang pagpapakalbo. Isang napakalaki at napakabongga ang sasalubong sa buhay ni Toni kasabay sa bagong taon ng 2022.

Screencap: Toni Fowler vlog

Samantala patuloy pa rin ang mga content ni Toni sa youtube kong saan din siya nakilala at isa sa pinakasikat na youtube vlogger ng bansa.