Isang Ama mag-isang tinaguyod ang anim na anak at napagtapos ng kolehiyo

Isang Ama mag-isang tinaguyod ang anim na anak at napagtapos ng kolehiyo

Sinasabing responsibilidad ng isang ama na buhayin ang kanyang pamilya.

Subalit sa hirap ng buhay ay maraming pamilya na walanh edukasyon ang mga anak. Ang malala pa ay nagkakawatak-watak at napapariwara ang mga anak.

Pero may iba din na pilit ginagapang sa buhay upang mabuhay at mabigyan ng edukasyon ang mga anak.

Hindi rin madali ang nakaakibat na responsibilidad ng isang ama kong ang mga anak nito ay hindi ito pinahahalagahan. 

Source: thedailysentry.net

Isang magandang ehemplo ang ulirang ama na si Geronimo Tolibas Sr. mula Caloocan. Sa edad na 57 ay nairaos at napagtapos niya ng pag-aaral ang anim na anak.

Ngunit hindi naging biro ang pinagdaanan ni tatay bago narating ang tagumpay.

Walang pinili na trabaho si tatay Geronimo, nagtitinda siya ng mani sa bus terminal, banana cue, camote cue, siopa, cake at kahit pantali sa buhok. Pinasok din niya ang pag-papadyak at pagiging construction worker. 

Source: pixilated.net 

Sa kabila ng paghihirap ni tatay Geronimo ay nasuklian ito ng tagumpay. Dahil ngayon ay nasa maayos na ang kanilang buhay.

Ang panganay na anak ay nagtapos ng TESDA at ngayon ay may maliit na patahian. Ang ikalawang anak naman ay nagtapos ng BS Education at isa ng ganap na guro at nagtuturo sa Maypajo Elementary School.

Ang sumunod naman ay nagtapos ng psychology at nagtatrabaho na sa human resources department ng isang companya sa Tondo.

Ang ika-apat naman ay nagtapos ng political science at kasalukuyang nagtatrabaho na sa city hall of Caloocan. Samantala ang pang lima ay sa TESDA rin at nagtapos ng house keeping.

At ang bunso ni tatay Geronimo ay nagtapos ng accountancy at nakapagtrabaho na sa isang opisina. 

Source: pixilated.net 


Pambihira at kahanga-hanga ang nagawa ni tatay Geronimo. Sa sipag, tyaga, determinasyon at pagmamahal sa mga anak ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy at tiisin ang hirap makamit lang ang pangarap at magtagumpay sa buhay.