Liza Soberano masayang ipinagdiwang ang kanyang 24th na kaarawan

Liza Soberano masayang ipinagdiwang ang kanyang 24th na kaarawan

“My one and only. Cheers to you my love, happy birthday”. – Enrique Gil

Masayang idinaos ng Kapamilya star na si Hope Elizabeth Soberano o mas kilala natin bilang Liza Soberano ang kanyang 24th birthday January 4 kasama ang boyfriend na si Enrique Gil at iba pang kapamilya.

Source: enriquegil17/instagram 

Agaw pansin ang maiksi ngunit napaka sweet na mensahe ni Enrique sa kanyang instagram para sa kanyang real-life girlfriend. Agad naman maraming fans ang kinilig sa mensahe.

Kahit medyo matagal na nagpahinga muna ang loveteam na Lizquin ay wala pa ring sawa ang mga fans nila. 

Kitang-kita sa video mula sa facebook ni Liza ang ngiti sa labi  habang kinakantahan siya ng happy birthday.

Naging masaya naman ang mga fans sa kaarawan ng dalaga sa kabila ng pamamahinga ng tandem nila ni Enrique. Tiyak naman na may pasabog ang Lizquen sa mulo nitong pagbabalik telebisyon. 

Screencap: Liza Soberano/facebook 

Taong 2011 ng pumasok sa showbiz si Liza. Subalit nag-umpisang namayagpag ang career niya noong naka tandem niya si Enrique Gil sa seryeng “Forevermore” ng ABS-CBN, remake iyon ng dating magka-loveteam na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Nakagawa pa ang Lizquen ng tatlo pang serye ang “Dolce Amore” 2016, “Bagani” 2018 at “Make it with You” 2020.Nagkasama din sila sa apat na pelikula ng StarCinema ang “Just the way You are” 2015, “Everyday I Love You” 2015, “My Ex and Whys” 2017, at “Alone/Together” 2019.

Isa rin si Liza na papalit sana sa role ni Angel Locsin bilang Darna ngunit hindi natuloy dahil nagka-injury ang actress. Maraming fans ang nalungkot ngunit naiintindihan naman nila ang dahilan.

At napunta kay Jane de Leon ang role. Alam din ng fans na magkakaroon din ng serye muli ang dalawa kaya abang-abang lang muna ang mga ito. 

Source: philstar.com 


Wala pa ring naka-line up na proyekto ang actress pero sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin siya sa kanyang network. Super kilig pa rin ang mga fans sa dalawa.