Mga magsasaka labis din naapektuhan sa nakaraang bagyong Odette

Mga magsasaka labis din naapektuhan sa nakaraang bagyong Odette

Hindi talaga madali ang naging sanhi ng super typhoon na si Odette na nananalasa noong December 2020. Bakas pa rin ang nilikha nitong pinsala lalo na sa mga tanim na palay sa ilang rehiyon ng bansa. 

Tinatayang nasa 176.4 milyong piso ayon sa Department of Agriculture ang pinsalang dulot ng bagyong Odette sa sektor ng agrikultura. CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas at Caraga Region ang lubhang nakaranas ng pinsala. 

Nasa bilang na 3,664 na mangingisda at magsasaka ang naapektuhan habang nasa 10, 830 ektarya ang sakahan na nasira, kabilang na ang palay, mais at iba pang high value crops. At 10,229 metric tons ng palaisdaan. 

Source : remate.ph


Bago pa ang bagyo ay nakapag-ani na ng palay sa 11,454 na ektarya ang MIMAROPA, Region 6,8,9,10 at 13. Samantala nakapagbigay na ng tulong ang Department of Agriculture sa mga magsasaka at mangingisda na nasa 852.47 milyong piso kabilang na dito amg 500 milyon mula sa QRF o Quick Respone Fund ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng mga nasirang kabuhayan sa mga apektadong lugar. 

Source: rmn.ph


Dagdag pa dito ang 148 milyon na halaga ng binhi ng palay, 57.6 milyon halaga ng binhi ng mais at 44.6 milyon halaga ng iba’t-ibang binhi ng gulay. Nakatanggap din ng tulong ang sektor ng 100 milyon mula sa SURE o Survival and Recovery Assistance program ng Department of Agriculture. 

Source: remate.ph 

May mga ginawang pagkilos na ang ating pamahalaan  sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa upang maibalik at maisaayos muli ang kabuhayan ng ating mga magsasaka. Labis man ang pinsala ay unti-unti rin makakabangon muli ang ating mga kababayan na nasa sektor ng agrikultura sa tulong ng gobyerno at LGU. Na sa kasalukuyan ay isinaayos na ang mga nasirang kabuhayan. Mapasaan man ay manunumbalik din ang sigla sa sektor ng agrikultura sa tulong ng Panginoon at gobyerno.