Ivana Alawi nasa 4th place bilang  “The 100 Most Beautiful Faces 2021”

Ivana Alawi nasa 4th place bilang “The 100 Most Beautiful Faces 2021”


“Aesthetic perfection is only one of the
criteria. Grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, hope…they are all embodied in a beautiful face.”  – TC Candler

Muli na naman pinag-usapan ang Kapamilya sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi. Dahil sa pasok siya sa “The 100 Most Beautiful Faces 2021” ng TC Candler. Noong nakaraang 2020 ay nasa 11th place siya pero sa taong 2021 ay napakalaki ng inusad niya. 

Source: metro.style


Subalit hindi rin nagpapahuli ang dalawa pa na kapamilya actress na sina Liza Soberano bilang 18th place na noong 2017 ay siya ang nasa number 1 slot at Janine Gutierrez na nasa 78th place.

Natatangi talaga ang kagandahan ng tatlo dahil 105,000 female celebrities sa buong mundo ang pinagpipilian.

Samantala ang dating nasa number 2 slot ay ngayon nanguna na sa lahat walang iba kundi ang member ng sikat na sikat na k-pop female group Black Pink na si Lisa Manoban. 

Narito naman ang Top 10 list:

  1. Lisa Manoban, member of K-pop girl group BLACKPINK 
  2. Emilie Nereng, Norwegian blogger 
  3. Halima Aden, Somali-American model 
  4. Ivana Alawi, Filipina actress-vlogger
  5. Nancy Jewel McDonie, member of K-pop girl group MOMOLAND 
  6. Yael Shelbia, Israeli model 
  7. Tzuyu, member of K-pop girl group TWICE 
  8. Lyodra Ginting, Indonesian singer-actress
  9. Jasmine Tookes, American model 
  10. Nana, South Korean singer-actress
Source: ent.abs-cbn.com 

Tila yata ay mayroon na naman dapat e-celebrate ang filipina-moroccan sa taong ito. Katatapos lamang ng kanyang napaka bonggang birthday celebration, ngayon ay heto na naman. Hindi na yata iniiwan ng swerte itong si Ivana. Ang TC Candler website ay nag-umpisang maglabas ng natatanging listahan ng kagandahan ay noon pang 1990 na nasa 45 countries ang pinagpipilian nila. 

Source: philstar.com 


Kahit saan talaga ay hindi nawawala sa listahan ang mga pinay sa larangan ng kagandahan gaya na lang sa mga beauty pageant. Isang patunay na napakalakas ng laban ng ating mga naggagandahang filipina.