Fishball vend0r nakapagpatayo ng dalawang palapag na bahay

Fishball vend0r nakapagpatayo ng dalawang palapag na bahay

Karamihan sa atin ay pangarap na magkaroon ng sariling pamamahay.

Ngunit hindi naman lahat ay may kakayahan na gawin ito. Kaya naman ay hanggang sa pangarap na lang ang dream house na inaasam.

Ang iba sa atin ay nagtitiis sa squater area, sira sirang bahay, sa pag-rerenta at mas malala ay iyong nasa kalye na lang nakatira.  Siguro nasa isip din natin na ang mahal magpagawa ng bahay lalo pa’t napakamahal ng materyales ngayon. 

Ngunit ibahin natin si Michael Gripat Pelucio. Mula sa kanyang post sa Simple House of the Philippines Faceb00k Group ay labis siyang hinangaan ng netizens.

Dahil ibinahagi niya doon ang naipundar niyang bahay sa pamamagitan lamang ng pagtitinda ng fishball. Bagaman ay hindi pa tapos ay makikita mo na ang kagandahan ng bahay. Kaunti na lang at matatapos na. 


Source: Michael Gripal Relucio/facebook

Ayon kay Michael, kumikita lamang ng 1,500 pesos bawat araw kada fishball cart. May dalawang cart si Michael at nag-hire pa siya ng makakatulong sa pagtitinda. Sa hanap-buhay ni Michael ay di mo akalain na magagawa niyang maitayo ang may dalawang palapag na bahay. Alam naman natin na napakaraming fishball vendors sa bansa ngunit ito ay nagtitiis lamang sa simple ngunit sira sirang tahanan. 

Source: Michael Gripal Relucio/facebook


Ang bahay na kasalukuyang ipinapagawa pa ay gawa sa concrete, may tiles sa siding ng exterior walls, aluminum screen door, minibar bilang divider ng living room at dining area, may maliit na balcony na may steel railings. Isang modernong disenyo at contemporary design ang balak niya sa pailaw. Wala pa itong pintura ngunit maiimagine mo na ang kagandahan  ito. Di man ganun kalaki ang espasyo ngunit kasya na ito sa buong pamilya ni Michael. 

Source: Michael Gripal Relucio/facebook


Tunay nga na hindi hadlang ang uri ng hanap-buhay kong tayo ay magsusumikap, determinado at matapang na harapin ang hamon ng buhay.