“Sobrang happy. We’re on cloud nine. Hindi ko madi-define yung feeling kasi yung isa nagkaroon, yung pangalawa ganun din. Pero ito yung ultimate, finale top 1 pa. Ang sarap ng feeling,” sabi pa ni Ana, ina ng mga ito. “Yung magtaguyod ka lang isang doctor, ang laki na ng hirap na pinagdaanan namin. Pero sinulit nilang lahat yung pinaghirapan namin,” – Eric Peralta
Bilang isang magulang ay kaligayahan na makita ang anak na nakapagtapos sa pag-aaral. Sa kabila ng hirap at sakripisyo kong ito ay masusuklian ng tagumpay ay labis na saya ang dulot nito sa mga magulang.
Labis ang saya at proud na proud ang mag asawang doktor na sina Eric and Ana Peralta. Dahil ang kanilang tatalong anak ay parehong nagtapos sa kursong medisina at dagdag pa ay top natcher ang mga ito.
Mahahalintulad na nasa alapaap ang saya ng mag-asawa dahil sulit ang kanilang hirap na maitaguyod ang tatlong anak sa pag-aaral ng medisina. Ayon sa mag-asawa, ang panganay nila na si Ana Bianca Eloise Peralta ay pumasa sa Physician Board Examination bilang top 6 noong 2015. Sumunod naman ang pangalawang anak na si Ana Eryka Elaine Peralta bilang top 5 naman noong 2017. At ang bunso na lalaki na si Federico Adriano Peralta IV ay top 1 noong 2019.
Payo naman ng ni Ana, suportahan natin ang ating mga anak sa landas na tatahakin. Kahit busy ay bigyan dapat ng oras ang mga ito.
Ayon naman sa panganay na anak ay naging inspirasyon nila ang kanilang mga magulang upang matapos nila ang kanilang kursong medisina.
Ang kanilang pagtutulungan ay ang naging susi sa tagumpay na naabot nila. Tunay nga na kapag nagmamahalan at buo ang pamilya ay walang imposible na makamit ang mga pangarap sa buhay. Ngayon ang buong pamilyang Peralta ay certified doctor of medicine na.