Willie Revillame, emosyonal at labis na nagpapasalamat sa GMA

Willie Revillame, emosyonal at labis na nagpapasalamat sa GMA

“Una for delicadeza. Magsho-show ako sa GMA, habang ako naman po ay nagpa-plano sa isang istasyon na kalaban ng GMA. Hindi ho tama ‘yun. Sa sobrang bait ho ng mga taga-GMA, sa sobrang bait ho ng pinakita nila sa akin, hindi ko ho magagawa ‘yun na tatraydurin ko sila.”-Willi Revillame

Natapos na nga at hindi na nag renew ng kontrata ang sikat na tv host na si Willie Revillame o mas kilala bilang Kuya Wil. Noong February 11, 2022 ay isinapubliko ni Kuya Wil ang liham niya sa pamunuan ng GMA Network bilang huling episode ng programang Wowowin. 

Source: GMA network

Labis din ang kanyang pasasalamat sa mga staff and crew pati na rin sa mga viewers dahil kong wala sila ay wala din ang Wowowin. 

Isang aktor and komedyante din si Kuya Wil. Pero dati siyang drummer bago pumasok sa showbiz. Naging bahagi siya ng Magandang Tanghali Bayan bilang mainstay host. At mas sumikat siya sa Pera o Bayong segment ng show. Doon din nag-umpisa ang malawakang pagtulong niya sa mga kababayan natin. Hanggang sa dumating ang punto na nagkaroon na siya ng sariling show at lumipat sa TV5. 

Source: GMA network 


2015 nang lumipat muli ng network si Kuya Wil sa GMA at ipinagpatuloy ang kanyang show na pagbibigay tulong sa tao. Subalit dumating sa oras na kailangan na naman niyang magpaalam dahil sa partnership nila ni Manny Villar para sa kanyang itatayong tv channel. Kung saan napunta na kay Villar ang frequency dati ng ABS-CBN. 

Source: GMA network 


Balita rin na nililigawan si Kuya Wil ng mga ibang politiko upang tumakbong senador, ngunit mas pinili niya na mag patuloy sa pagiging host at tumulong sa kapwa. Isa na nga itong si Willie na sandigan ng mga pilipinong nangangailangan ng tulong. At doon siya. minahal ng masa. Ipinangako ni Willie na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan sa mundo ng tv broadcasting at entertainment.