Erik Matti umalma sa “Unbothered” post ni Toni G

Erik Matti umalma sa “Unbothered” post ni Toni G

“To give your support to any political candidate whether or not out of affinity, blood or loyalty is between you and your conscience. You can do whatever you want with your celebrity power and God’s guidance because this is a free world, after all. But to be brazen, arrogant and snooty makes all of it despicable, disgusting and really crude. – Erik Matti

Marami ang nagulat lalong lalo na ang mga kasamahan ni Toni Gonzaga sa paghost at pagbigay niya suporta sa presedentiable aspirant na si Sen. Bongbong Marcos, sa bise nitong si Mayor Sara Duterte at kay Congressman Marcoleta bilang senatorial candidate. 

Source: imdb.com

Matatandaan nga na isa itong si Marcoleta ang nagpush na bawian ng prangkisa ang network na kinabibilangan ni Toni. Sandamakmak na bash ang inabot ni Toni dahil sa pangyayaring ito. Isa na dito ang tumuligsa sa kanya ang batikang direktor na si Erik Matti. 


Ayon kay direk Matti, nayayabangan siya sa Unbothered na reply ni Toni sa mga bashers niya, tila taas noo pa daw ito sa pagsuporta sa taong may nakaraan ng kalupitan at marahas sa ating bayan.

Source: mb.com.ph

Inihalimbawa din niya ang ginawa ni Hitler kung saan matapos ng mga krimen ay nagawa pa nitong pamunuan nag isang bansa. 

“In the same way the plunder and the horrors of the Marcos regime to our country the Philippines, that no one has claimed responsibility until now with the players still roaming around free, moneyed and powerful, is irefutable and a historical fact that cannot be forgotten and rewritten. 


Hindi talaga mahihiwalay ang showbiz sa politika. Bukod kay Toni ay isa pang kapamilya na si Karla Estrada ay hayagang BBM suporter. At matapos nga ang hosting ni Toni sa proclamation rally noong February 8, 2022 ay nagbitiw ang actress/tv host bilang main host ng PBB at personal na nirekomenda si Bianca Gonzales na papalit sa kanya. 

Source: filipinotimes.net