Napagkamalang masamang loob, nakatanggap ng maraming tulong

Napagkamalang masamang loob, nakatanggap ng maraming tulong

“Umaaligid aligid samin… Pasindi-sindi ng sigarily0… Palakad-lakad. By that time, binubuksan na ng asawa ko yung harapan ng motor at bakas na ang nerbyos.

Kita ko din sa kamay ni kuya ung nginig. Siguro dahil na rin sa gutom tapos natanong siya ng asawa ko paano siya nakakakain, sabi nya nanghihingi lang din daw sa mga tao.” – Judie Aquino

Minsan may mga pagkakataon na inakala natin na may mangyayaring hindi maganda sa atin. Mga maling akala ikanga. At kung minsan ang inakala pa natin na masama ay siya pala ang makakatulong sa atin. 

Source: thedailysentry.net

Gaya na lang sa karanasan ni Judie Aquino. Kasama niya ang kanyang asawa ng masiraan sila ng motorsiklo sa kahabaan ng Shaw boulevard. Nang may napansin sila na isang lalaki na umaaligid sa kanila. 

Nakilala ang lalaki na si Ferdinan Pulido galing Leyte. At siya ang tumulong sa mag-asawa sa nasirang motor. Isa pa lang mekaniko si Ferdinan sa Leyte, may tatlong anak na puro babae na may edad na 7, 8 at 10. Iniwan ang pamilya nagbakasakali na makapagtrabaho sa May nila sa pag-asang maging maayos ang buhay ngunit hindi siya pinalad at palaboy-laboy na lamang.

Source: thedailysentry.net

Nalaman naman ng organisasyong Quarant1ne Tribute Tips ang ginawang pagtulong at kalagayan ni Ferdinan kaya naman nagpaabot ng tulong ang mga ito. Bukod pa doon ay nabigyan ng trabaho ang probinsyano na labis niyang ikinatuwa dahil makakatulong na ito sa pamilyang naiwan. Ilang netizen rin ang nagbigay tulong sa kanya kaya naman labis ang pasasalamat nito. 

Source: thedailysentry.net

Source: thedailysentry.net

Isa na namang probinsyano ang lumuwas ng May nila dala ang pag asa na makaahon sa kahirapan. Isa lang si Ferdinan sa napakaraming nilalang na sa tingin ay nasa May nila ang kasagutan sa kahirapan. Subalit hindi lahat ay nabiyayaan ng katulad niya. Sana mabigyan talaga ng pansin ang mga katulad ni Ferdinan na susu gal sa walang kasiguraduhang buhay sa May nila