Dahil sa pakwan, yumaman na ang mag-asawang magsasaka

Dahil sa pakwan, yumaman na ang mag-asawang magsasaka

“Galing ako sa pamilya ng magsasaka. ‘Yung napangasawa ko, magsasaka rin. Nangungutang ako para may maibentang pakwan. Kapag nakabenta kami, makakabili kami ng bigas at bagoong. ‘Yun lang ang pinapakain ko sa mga anak ko. Madalas din kaming mapalayas sa inuupahan namin kasi wala kaming pambayad.”-Aling Helen

Tunay nga na nakakamangha ang ilang kwento ng mga tao. Hindi mo akalain na mula sa walang-wala, ngayon ay labis na pinagpala. Sadyang sinusubok ng panahon ngunit nagbigay ito ng pag-asa upang harapin ang landas tungo sa tagumpay. 

Source: KMJS

Si Aling Helen tubong Aklan. Tanging pagsasaka ng pakwan ang trabaho kasama ang asawa. Nagmula sa parehong anak ng magsasaka ang mag-asawa. Nangutang sila ng 50k para pambili ng indian mango at pakwan na ibabagsak sa Maynila ngunit natapon lang ang mga mangga dahil nabulok ito. Bumalik sila ulit sa Aklan at nangutang ng 300k at binili nila ng binhi at pataba sa pakwan. Sa unang tanim nila ay kumita sila ng 1.2 milyon, subalit winasak ng bagyo ang pangkabuhayan damay pati bahay nila. 

Source: KMJS

Ngunit hindi nawalan ng pag-asa sila Aling Helen at nagpatuloy sa pagtatanim. Hanggang sa hindi na lamang nila namalayan na sila na pala ang pinakamalaking supplier ng pakwan sa buong Aklan. 

Ngayon ay nakapagpatayo na sila ng magandang bahay at nakabili na ng mga sasakyan. Inilahad din niya na ang dating lupang inuupahan ay nabili na nila ito. Nagsimula lamang sa pangungutang ng puhunan ang mag-asawa, nalugi at nawalan ng puhunan, ngunit hindi sila nagpatinag sa mga pagsubok sa buhay. At ngayon ay tinatamasa na ng pamilya niya ang maayos na buhay. 

Source: KMJS


Isang kwento na naman na nakakapagbigay ng inspirasyon sa atin. Tiyaga, pagtitiis at tiwala sa sarili ang isa sa naging puhunan ng mag-asawa upang maitawid ang pamilya sa kahirapan.