Nagbasa lang ng libro kumikita na ng 60k to 90k kada buwan

Nagbasa lang ng libro kumikita na ng 60k to 90k kada buwan

“Sabi nga ni coach magiging investment ang pag-papagawa ng bahay kung ito ay kumikita ng pera kaya naman tiis muna kami sa maliit na bahay at pag nakaipon na tsaka na kami bibili ng sarili bahay na pwede kahit hindi kumikita share ko lang din ung lagi ko naririnig kay coach knowledge without application is entertainment.” – Nathan Lumaban

Hindi talaga natin masasabi kong papaano tayo makaahon sa kahirapan. Kahit kayod kalabaw na tayo ay tila wala pa ring pagbabago sa ating buhay. At may mga pagkakataon na nagmula lang pala sa simpleng bagay ang siyang dahilan sa ating pag-angat. 

Source: Chinkee Tan/facebook 

Isang dating MMDA at Uber driver si Nathan Lumaban. Narinig niya lamang sa radyo ang tungkol kay Chinkee Tan noong 2016. Isang vlogger na nagtuturo kung paano umangat sa buhay. Nagka-interest si Nathan dahil sa mga ideya na nabanggit ni Chinkee. Kaya naman ay binasa niya ang mga libro ng vlogger at naging eye-opener niya ito upang sumubok sa pag-asang umangat sa buhay. 

Source: Chinkee Tan/facebook 

Nag-umpisa muna siya sa buy and sell kaya naman ay nakapagpatayo siya ng negosyo gaya ng carwash, mini restaurant at water refilling station. Nag-iinvest din siya ngayon ng crypto at NFT. 

Samantala, kumikita na siya ngayon ng 60k hanggang 90k kada buwan. At sa kasalukuyan ay nagpapagawa siya ng resort sa Pampanga. 

Nais ibahagi ni Nathan ang kanyang nararanasan ngayon ng dahil ni coach Chinkee upang makapagbigay inspirasyon sa iba na umangat rin sa buhay na hindi nangangailangan ng malaking halaga upang makapag-umpisa ng negosyo. Sa tamang diskarte at tiwala sa sarili ay hindi imposible na makamit ang mga pangarap sa buhay. 

Source: Chinkee Tan/facebook 


Kahanga-hanga talaga ang kwento ni Nathan. Sa maiksing panahon ay nabago na ang kanyang pamumuhay. Ang aral sa kwentong ito ay determinasyon, disiplina at tiwala sa sarili upang tayo ay maihatid sa mas maganda at matiwasay na pamumuhay.