Prosperity dance ng bagong kasal umabot sa kalahating milyon

Prosperity dance ng bagong kasal umabot sa kalahating milyon

Ilan na rin sa ating mga kababayan ay may mga nakakagulat at nakakamangha at mapapa-sana all ka na lang sa mga surpresa sa kanilang minamahal. Gaya ng anniversary, birthday, wedding proposal at iba pa. At nagawa nila ito dahil sa kanilang pagmamahal. Dagdag pa dito ang mga bagong kasal na may kakaibang ganap sa kanilang wedding reception. Lalong lalo na ang money o prosperity dance. 

Pinag-uusapan sa social media ang bagong kasal na sina Mark at Julie Mae Quiton na taga Santa Catalina, Ilocos Sur. dahil sa kanilang prosperity dance. Umabot kasi sa kalahating milyon ang nilagay na pera sa kanilang damit habang sumasayaw. Ikinasal sila noong December 2021.

Source: Juliemae Rapisura Quiton/fb


Ayon sa post ni Julie Mae ay bigay bilang regalo ng parents nila ang mga salapi. Noong una ay pa share-share lamang sila ng mga money dance sa facebook. At hindi rin nila naisip na mangyayari sa kanila iyon na mabigyan ng ganoong regalo dahil pareho naman daw sila galing abroad at may savings. Ngunit nagulat na lamang ang bagong kasal dahil sa kanilang ikalawang prosperity dance ay inilabas na at nilagay na sa kanila ang kalahating milyon na salapi. 

Bukod sa mga regalo ay may natanggap din silang 300k mula sa kanilang mga ninong at ninang sa kasal. Mapapa-sana all ka na lang talaga sa bagong kasal. 

Source: Juliemae Rapisura Quiton/fb

Dagdag pa ni Julie Mae na nasa bangko na daw ang pera at gagamitin nila iyon sa mga emergency na pangangailangan at pondasyon sa mga pangarap nila na doon nila kukunin o dadagdagan. 

Source: Juliemae Rapisura Quiton/fb

Lagi lang natin tandaan na kahit sa anong uri pa man ng kasalan. Ito man ay simple o glamoroso, isa isip natin na ang pinaka-importante ay ang diwa ng kasal na ang pagbubuklod sa dalawang nagmamahalan sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.