Isang pinay nag-viral dahil sa kanyang 200 medals

Isang pinay nag-viral dahil sa kanyang 200 medals


These memories will forever be treasured and will always be with me wherever I go. Goodbye Lingayen, Pangasinan.”
– April Christelle De leon

Proud na proud ang isang 16 years old na si April Christelle De leon tubong Lingayen, Pangasinan sa pag post sa kanyang scholastic medals na umabot na sa dalawang daan na piraso. Ibinandera niya ito sa social media at maraming netizen ang napahanga. Mula ito sa iba’t-ibang activities sa paaralan gaya ng quiz bowl. 

Source: April Christelle De leon/facebook

Simula grade 1 hanggang grade 6 ay siya ang pinakamatalino sa kanyang batch at laging nasa first honor at valedictorian nung grade 6. At siya din ang nag-iisang junior high school student na may general average na mas mataas pa sa 98 percent. Nag-aral naman si April sa Lingayen Central at Pangasinan National High School. Naging young journalist din siya at kinuhang representative sa iba’t-ibang school competition. At sa national finals na siyam na beses. 

Source: April Christelle De leon/facebook

Bukod pa sa mga academic activities ay sumali rin siya sa mga beauty competitions, katunayan ay naging Lakambini ng Wika, Miss A1, Miss United Nation at Miss Earth si April. Kaya naman ay hindi nakapagtataka na umabot sa ganoon ka dami ang kanyang medalya. 

Ngunit ang kanyang mga magulang na si Engr. Bobby De Leon at Dr. Maria Luz Tesoro De Leon ay nakapagdesisyon na mag migrate na sa Chicago, Illinois ang mag-anak kaya naman ay doon na ipagpapatuloy ni April ang kanyang senior high school. Balak niya na kumuha ng kursong BS Biology bago magpatuloy sa medical school. 


Source: April Christelle De leon/facebook

Tunay na kahanga-hanga at dapat tularan ng mga kabataan itong si April. May direksyon ang buhay at competitive na bata. Sa mga nagawa ni April ay tiyak na matutupad niya ang kanyang mga plano sa buhay. Siya ay isang napakagandang halimbawa sa mga kabataan ngayon na ang ilan ay napapariwara dahil sa iba’t-ibang dahilan. Sana magdulot ito ng inspirasyon sa lahat upang lahat tayo ay magtagumpay sa buhay.