Tatlong magkaibigan nag-viral dahil sa natatanging samahan

Tatlong magkaibigan nag-viral dahil sa natatanging samahan

“I can still vividly remember the day we took the first photo. The foundation of our dreams. Year 2011, the year we graduated high school. Never have I imagined graduating together again with these two, neither have we talked about going in the same school,” – Ching Macarubo

Madalas natin naririnig na ang pinakamasayang yugto ng pag-aaral ay ang nasa high school. Ikanga high school life. Sa panahon kasing ito ay dito mas nakilala ng isang tao ang kanyang sarili. Kasabay sa pisikal na anyo ay ang mga pagbabago sa pananaw sa buhay. Kumbaga hindi na bata pero hindi rin naman matanda. Kaakibat din nito ay may mga tao tayong nakilala at naging malapit na kaibigan. 

Source: Ching Macarubo/facebook 


Tunghayan natin ang kwento ni Joieanne Marie “Ching” Macarubo kung saan ibinahagi niya ang masayang karanasan kasama ang kanyang dalawang matalik na kaibigan na sina Marie Clare Perez at Jovine Martin. Na nag-viral dahil sa kanilang samahan. Inalala ni Ching ang pinakaunang larawan nilang tatlo nung nasa high school pa lamang sila. Hanggang sa isa pang larawan na ngayon ay graduate na sila ng meds. 

Source: Ching Macarubo/facebook


Magkaklase, naging matalik na kaibigan at sabay pa grumadwet sa kolehiyo. Inalala ni Ching ang mga pinagdaanan nilang saya, hirap at mga pagsubok sa buhay at makalipas ang siyam na taon ay sila pa rin ang magkasama at sabay din naabot ang pangarap na maging doktor. 

“We just found ourselves applying in the same college. We have gone through so much during the years, on the brink of failure, crying ourselves out almost every night, tired & restless especially during our clerkship, but never took quitting as an option.” 

“Now, 9 years from that day, here we are, living our vision. Truly, the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams. Wouldn’t have survived med school without you two And of course the support of our dear parents”. Dagdag pa ni Ching sa kanyang post. 

Source: Ching Macarubo/facebook 


Nakikita natin ang matibay na samahan ng tatlo. Hindi biro at pambihira lamang ang ganitong pangyayari sa magkakaibigan. Kadalasan kasi ay nagkakahiwalay na pagdating ng kolehiyo. Subalit gayunpaman, bigyan natin ng halaga ang ating mga tunay na kaibigan dahil bukod sa pamilya ay sila ang ating nasasandalan at makakatulong sa anumang pagsubok ng panahon.