Milyonarya na nagmula sa pagiging labandera at basurera

Milyonarya na nagmula sa pagiging labandera at basurera

“Katulad ng lagi kong sinasabi sa tao, Walang taong maghihirap sa taong masikap, – Cristel Bulabon

Tunghayan natin ang isang kwento ng babae na naging milyonarya mula sa sandamakmak na paghihirap sa buhay. At tiyak na magbibigay inspirasyon sa atin upang hindi mawalan ng pag-asa sa buhay. 

Siya si Cristel Gardoce Bulabon, 45 years old na taga Antipolo. Sa murang edad ay dinagukan na ng paghihirap si Cristel. Sa edad na anim ay iniwan na sila ng kanilang mga magulang. Bilang pangalawang anak ay itinaguyod niya ang mga kapatid.

Tumira sila sa kanilang tiyuhin sa Bacolod, ngunit paghihirap pa rin ang kanilang naranasan. Bago sila makakain ay kinakailangan muna matapos ang mga gawain sa bahay pati ang pag-iigib ng tubig upang punuin ang drum drum na lagayan.

At tanging tutong na lang ang naabutan, dahil matigas na ay nilalagyan nila ng mainit na tubig para lumambot at sinahugan ng asin para maging ulam.

Minsan ay naabotan niya nag dalawang taon na kapatid na nakatali ang leeg sa dulo ng mesa na umiiyak dahil humihingi ng gatas. Sa labis na awa ni Cristel kaya namasukan siya bilang taga-hugas ng plato at tindera sa kanilang kapit-bahay. 

Source: Rated Korina

Hnaggang sa hindi na niya matiis ang sitwasyon kaya lumipat sila sa bakanteng kubo ng kapit-bahay na naging saksi sa dinaranas nilang kalupitan. Dumating ang araw na binalikan sila ng mga magulang at dinala sa Antipolo. Subalit naulit na naman ang pag-iwan sa kanila kaya naman ay napilitan na namasura si Cristel upang mabuhay. Naglabandera din siya sa halagang 50 pesos kada sako. Tiniis niya ang kilo-kilometrong layo papuntang ilog. 

Source: Rated Korina

Sa inakalang makaahon sa kahirapan ay nag-asawa siya sa edad na 18. Ngunit mas lumala pa ang kalagayan niya dahil sinasaktan siya ng asawa damay ang mga anak at mga kapatid niya. Kumapit na sa patalim si Cristel at namasukan bilang GRO.

At doon niya nakilala ang lalaki na tinadhana sa kanya. Pinag-apply siya at natanggap bilang telephone operator at na promote ngunit hindi pa iyon naging sapat kaya nag-abroad siya.

Nakapag-ipon, bumalik ng bansa at nakapagpatayo ng computer shop at karenderya. Nag franchise din siya at nagkaroon ng 12 na food cart at isang restaurant. At di naglaon ay nagkaroon ng sariling diving company. 

Source: Rated Korina

Ang dating dumaranas ng labis na kahirapan, ngayon ay milyonarya na. Ganunpaman ay di siya nakalimot sa pinanggalingan, tumutulong siya sa kanyang mga kababayan sa Antipolo. Tunay nga na walang mahirap kung ikaw ay magsisikap. At ngayon tinatamasa na ni Cristel ang maayos na buhay.