Isang dalaga muntik ng mawalan ng buhay dahil sa cellphone

Isang dalaga muntik ng mawalan ng buhay dahil sa cellphone


“Mga kabataan wag masyado sa cp dahil  totoo pong masama sa katawan. Pero God is good po ok na ang anak ko ngayon. Share ko lang po ito sa lahat para po malaman nila n totoo po ito kc nadanasan po ng anak ko mga magulang bantayan po natin mga ank natin.” 

Iyan ang payo ng isang ginang. Matapos ang masaklap na pangyayari sa kanilang anak. Dahil sa wala na halos magawa ang mga kabataan ngayon at kahit ang paglabas ay mahigpit kaya nahuhumaling na lamang sa tv, gadget lalong-lalo na ang cellphone. Kaya naman hindi maiwasan ng ginang na hayaan na lang gumamit ng cellphone ang kanilang anak sa buong araw. Subalit kahit pinagsasabihan nila ito ay patuloy pa rin ang pagka- adik diumano ng kanilang anak sa cellphone. 

Source: thedailysentry.net 

Minsan alas 4:30 ng umaga. Nagising na lamang ang mag asawa dahil sa sigaw ng kanilang anak. Agad naman pinuntahan nila ang silid nito. Naabutan nila na nangangatal na ang anak na dalaga. Sa pag-aakalang maibsan ito ng pagpahid ng haplas ay agad naman itong ginawa ng ina niya. Ngunit biglang nanigas ang buong katawan ng dalaga. Nag-lock rin daw ang mga kamay, tuhod pati ang panga. 

Source: thedailysentry.net 


Napakabilis daw ng pangyayari kaya agad nila itong isinugod sa hospital. Hanggang nasa sasakyan pa sila ay nawalan na ito ng malay. At hindi na maramdaman ng ina ang paghinga ng anak. Labis na takot at kaba ang nadama ng ginang. Namumutla na rin daw ang kanyang anak. 

Mabilis naman daw ang pag responde ng mga nurse at doktor sa MV Santiago Medical Center ng Indang, Cavite. Ayon sa doktor, radiation daw ang sanhi sa nangyari sa kanilang anak. Ito raw ay nagdudulot ng hirap na paghinga, panginginig at paninigas ng buong katawan. Buti na lang at naagapan agad at nakaligtas ang dalaga. 

Source: thedailysentry.net 


Kung noon ay hindi naniniwala ang ginang sa mga nababasa sa social media tungkol sa labis na paggamit ng gadget. Ngayon ay natauhan na siya. Totoo pala talaga na may ganoong scenario. 

Sana magbigay ito ng babala, lalo na sa mga kabataan na halos sa online world na lang umiikot ang buhay.