Vice Ganda may surprise na pa-shopping sa dalawang working girls

Vice Ganda may surprise na pa-shopping sa dalawang working girls

Sa latest vlog ng YouTube channel ni tv host/comedian na si Vice Ganda ay pumili siya ng dalawang tao upang ipag-shopping ang mga ito. Random lang ang pagpili ni Vice na may kategorya na naka smile at nasa working class. Namili si Vice habang nasa loob ng kanyang sasakyan at kumuha ng atensyon niya ang dalawang babae na naglalakad na pauwi. Inaya ito ni Vice at agad pumayag ang dalawa. 

Screencap Vice Ganda youtube channel

Dumaan muna sa on the spot swab test ang dalawa na nakilalang sina Jewel isang accounting assistant at Juvy na teller at parehong nagtatrabaho sa BDO. Habang papunta sa mall ay nag-chikahan muna sila. Si Jewel ay single pa at may anak naman si Juvy. Naging masaya ang kwentuhan ng tatlo. 

At heto na nga dumating na sila sa mall at agad pumili ang dalawa. Tiningnan pa ni Vice ang instagram nila upang malaman niya ang dress style ng dalawa. Bukod sa mga damit, sapatos at iba pa ay hindi rin pinalampas na mabigyan ng pasalubong ang nanay ni Jewel gaya ng sapatos at si Vice pa ang pumili ng bag. 

Screencap Vice Ganda youtube channel


Umabot sa mahigit 65k ang halaga. Ngunit may isa pang challenge si Vice na ang  sabi ay meron pa silang pupuntahan pero bawal ang cellphone. Nag decide naman si Juvy na game siya ngunit si Jewel ay mas pinili ang trabaho kesa challenge. Subalit biro lang pala iyon ni Vice. 

Bukod sa pinamili ay lumipat pa sila sa mga laruan upang bilhan ng bike ang anak ni Juvy at laruan naman para sa pamangkin ni Jewel. 

Screencap Vice Ganda youtube channel


Labis-labis ang pasasalamat ng dalawa dahil hindi nila inaasahan na biglang makakapag-shopping sila. Sa unang bahagi ng vlog ay nabanggit ni Vice na ang mga working class ang pipiliin niya dahil tila wala na itong oras na magshopping lalo na sa panahon ngayon na dapat uunahin ang pamilya kesa pansarili.