Dalagita nasisi raan diumano dahil sa module

Dalagita nasisi raan diumano dahil sa module

Samo’t-saring kwento na ang natunghayan natin dahil sa pagbabago ng education system ng bansa dahil sa pandemya. May mga nakakatuwang kwento, mga guro na sumugod sa ulan at putikan maihatid lang ang module sa mga estudyante. Mayroon din 0nline class sa mga nakaak-afford ng gadget at wifi. Subalit may isang kwento na nakakabahala, dahil may nasisiraan na ng bait at ito ay diumano ang dahilan ay ang module. 

Nakakaawa ang sinapit ng isang dalagita na nakilalang si Rochelle Marchan Robles, 16 anyos na taga Tanay, Rizal. Ibinahagi sa s0cial me dia ng kapatid niya na si Regine Robles ang nakakapanlumong sitwasyon ng kapatid. 

Source: Regine Robles 


Ayon kay Regine, unti-unti daw nag-iba ang pag uugali ng kapatid na parang nasisiraan, hanggang sa tuluyan na itong nanakit. Kaya naman ay napilitan sila na itali na lamang ang kapatid. Labis naman ang pagka-awa niya sa kapatid kaya naman ay humingi na ito ng tulong sa mga netizen na manawagan kay Raffy Tulfo o sa Wish Ko Lang.

Source: Regine Robles 


Dagdag pa ni Regine, bago ang nangyayari sa kapatid ay lagi daw itong puyat dahil sa module. At tuluyan na nga itong nananakit ng tao. Humihingi ng tulong si Regine upang matingnan ng psychiatrist ang kapatid para malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. 

Sa kasalukuyan ay tumutuloy sila sa kanyang tito kasama ang ina at si Rochelle. Nanawagan din siya sa kanyang ama na si Renato Dacuno Robles na umuwi ng Visayas ngunit labing-anim na taon ng lumipas ay hindi pa rin sila binalikan. 

Source: Regine Robles 


Sana ay mabigyan pansin ang kaawa-awang kalagayan ng dalagita. Kung ito man talaga ay dahil sa module ay tila na pressure na ng husto kaya bumigay ang isipan. O kaya naman ay may iba pang mas malalim na kadahilanan. Napakabata pa ni Rochelle, marami pa siyang magagawa sa buhay. Gayunpaman, nangagailangan pa talaga ng masusing pagsusuri ang tunay na dahilan sa nangyari ngayon sa dalagitang si Rochelle.