RABIYA MATEO: “Lalaban para sa bayan.”

Lumipad na patungong Los Angeles, California noong April 9 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

Hinangaan ng pageant fans maging ang kanyang pre-departure outfit na ipinagmalaki rin ni Rabiya sa kanyang Instagram post.

“Ibubuhos ko ang lahat ng lakas sa laban na ito at taas noo kong sasabihin, ‘Ikinararangal kong maging modernong Pilipina sa isip, sa puso, sa diwa, sa salita at sa gawa.’ Mabuhay ang gawang Pilipino!”

Sa interview ni ABS-CBN reporter Dyan Castillejo, sinabi ni Rabiya na halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya, “There’s a mix of emotion. I’m happy but at the same time, I’m nervous but that’s completely normal. But I’m excited to go to the U.S.”

Ito umano ang unang beses na lalabas siya ng bansa kaya nakadagdag din ito sa kanyang excitement.

Sa desisyon naman na pag-alis nang maaga (mahigit isang buwan bago ang coronation night), nagpaliwanag si Miss Universe Philippines Creative Director Jonas Gaffud.

Ang sabi nito sa isang Facebook post: “The sudden decision to leave early was because of restrictions in the country. We wanted to leave on April 20, to isolate for 14 days (self-imposed because there are no quarantine rules in Florida I think) prior to checking in at the Miss Universe Hotel venue.”

Ang pabago-bagong quarantine restrictions sa bansa ang pangunahing dahilan kung bakit nagdesisyon sila na umalis nanag mas maaga kaysa sa plano.

Sa katunayan, maraming scheduled activities ng reigning Miss Universe Philippines ang nakansela dahil sa sitwasyon sa bansa.

Kabilang na dito ang isang grand send-off presscon para sana kay Rabiya.

“We planned so many things the past three weeks: more photoshoots, interviews, fittings, and a grand send off presscon for Rabiya. These were all cancelled because of the covid situation. We are a very responsible organization and we care for the safety of everyone, specially the Queen.

“With all that is happening, it makes me wonder why some people are blaming us for not doing what is the ‘tradition.’ Yet, we were able to stage a pageant last year which produced this beautiful lady from Iloilo.

“By the end of March, the organization was carefully planning everything. We had no choice but to the get the earliest day possible to leave the country. Since flights are either being cancelled or fullybooked. So April 9 it is.”

Si Rabiya rin daw mismo ang humiling na makasama si Jonas sa paglipad patungong U.S. dahil ito nga ang unang international flight ng beauty queen.

Sa pagdating ng kanilang team sa U.S., ito naman ang naging pahayag ni Rabiya.

“Sa mga kababayan ko sa Pilipinas, nandito na ako ngayon sa Los Angeles.

“Ipinapangako ko po na gagawin ko po lahat ng posibleng gawin para maiuwi ulit natin ang korona sa bayan.

“Mahal ko kayo at please po, ipaagdasal niyo ako at suportahan sa laban na ito.”

Makakalaban ni Rabiya ang 80 candidates mula sa iba’t ibang bansa.

Magaganap ang coronation night sa Hollywood City sa Florida sa May 16.

Sa kasalukuyan ay may apat nang Filipina ang nakasungkit ng korona ng Miss Universe.

Ito ay sina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diza (1969).