DELIVERY RIDER, NABIKTIMA NG PAGSUNOG SA ITEMS NA IDE-DELIVER

DELIVERY RIDER, NABIKTIMA NG PAGSUNOG SA ITEMS NA IDE-DELIVER

Kamakailan lang ang kumalat ang ilang viral posts sa social media na may kinalaman sa mga delivery riders.

Karamihan ay nabibiktima ng tinatawag na fake booking kung saan ang nagpapanggap na customers ay oorder at magpapa-deliver ng agkain gamit ang pekeng pangalan at address na iba naman ang nakatira.

Kamakailan ay may isang Facebook post na nagpakita ng halos 20 food delivery riders na nabiktima ng fake booking na nagkakahalaga ng 15,000 pesos.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Kim Uayan, hindi naman pagkain at fake booking ang naging problema.

Ibinahagi daw niya ang experience na iyon para maging aware ang iba.

Ayon sa kuwento niya, dumating daw sa kanilang bahay ang delivery rider upang i-deliver ang order ng ate niya mula sa isang sikat na online shopping platform.

Nang tanungin umano niya kung magkano, sinabi naman ng rider na bayad na ito ngunit may isa itong pakiusap.

Ang sabi raw ng delivery rider, “wala na pong bayad maam (paid by shopeepay na po ang order) pero maam makikiusap po kasi ako cod po sana siya ako po mag babayad,  itatanong ko lang po kung mag kano yung item may nag sunog po kasi yung lagayan ko ng mga item na ishiship lahat po ng item may damage babayaran ko nalang maam yung item niyo tapos order nalang po kayo pasensya po”

Gustong malaman ng delivery rider ang presyo ng mga items na nasunog dahil may nagsunog daw ng lalagyan niya ng items kung kaya’t nag-aalala ito na baka may nasunog sa items na idineliver.

Ipinakita pa umano ng rider ang sako na lalagyan ng mga idine-deliver nitong items.

Dahil hindi naman sa kanya ang items, tinawagan muna ni Kim ang ate niya.

“So yung tinawagan ko sister ko sabi niya wag na daw pabayaran okay lang daw

“Sobrang saya ni kuya rider salamat maam sobrang salamat po pasensya na”

Kaya naman may pakiusap si Kim sa mga walang magawa sa buhay na napagtitripan pati ang mga taong naghahanap-buhay.

“Sa mga nag tritrip naman jan please maawa naman kayo sa mga rider natin kung hindi fake booking ganyan nag tratrabaho po sila ng maayos kahit pandemic para may pang kain sa araw araw kung wala kayong magawa wag kayo mang damay ng mga taong nag sisipag

“Kay kuya rider hindi ko na hingi name mo sana yung mga nadeliveran m na intindihan ka nila ingat kuya god bless”

Agad umani ng mga reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post.

Narito ang ilan sa mga komento nila.

“parami na ng parami sa kababayan natin ang hndi huwasto ang pag iisip”

“sarap sunugin yung kaluluwa nung nagsunog.”

“only in the philipines na lng tlga mga wla magwa sa buhay grabe”

“Kawawa naman akala nio mlki kita ng rider??? Mamatay n mga nagtitrip sa mabubuting tao”

“kaya yung iba hindi na nag door to door dahil sa mga nantitrip eh.. hindi nila maiwan mga items.”

“Ganyan din itsura nung kinain ng gulong ko ung dala kong lalagyanan ng mga delivery ko. Mga seamans book pa un tae. pero syempre benefit of the doubt pa rin na baka nga sinunog talaga.”

“Kawawa naman ang mga rider,nagtatrabaho sila ng maayos at tlgang kailangan nila ng kita ngayong may pandemic.wag sana ganyanin..lalo na ung mga nagpaprank order..yan n lang ung way nila kumita para sa pamilya gagawan pa ng masama..asan na kaya ang humanity?”

Bisitahin ang nasabing post dito.