SIMPLENG BIRTHDAY SURPRISE NG MGA ANAK PARA SA AMA, HINANGAAN NG NETIZENS

SIMPLENG BIRTHDAY SURPRISE NG MGA ANAK PARA SA AMA, HINANGAAN NG NETIZENS

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang Facebook post kung saan makikita ang mga larawan ng isang simpleng sorpresa na inihanda ng mga anak para sa kanilang ama.

Sa Facebook post ni Melody Silang, ipinakita niya ang payak na paghahanda ng mga paslit para sa kaarawan ng kanilang ama.

Nag-upload siya ng ilang larawan na may caption na (published as is):

“Nakakatatsss nmn ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama ang plano nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nag nasa trabaho pa ito…nakakataba ng puso ang gantong mga eksena…sakadahilanang wlang perang pambiling lobo ay nag gawa sila gamit ang plastick labo at sinulatan ng happy birthday papa…at nagawa pa sila ng cake na gawa sa itlog.”

Sa mga larawang kasama ng post, mababakas ang kaligayahan sa mga inosenteng mukha ng mga paslit.

Bagama’t kapos sa budget, nagawan ng mga bata ng kakaibang diskarte ang kanilang naisip para sa kaarawan ng ama.

Sa halip na mga totoong party balloons, mga lobo na gawa mula sa pinalobong plastik labo na may sulat-kamay na “Happy Birthday, Papa’ ang inihanda nila.

At sa halip na birthday cake, isang improvised cake na gawa sa itlog ang meron sila.

Agad dinagsa ng mga positibong comments ang nasabing post na sa ngayon ay mayroon nang 54K shares. (Basahin dito ang nasabing Facebook post.)

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens.

“Even though I didn’t understand the language. One thing is certain. The kids are innovators. The trick of using polybags for balloons is just fantastic.”

“So sweet and creative kids!God will bless you!Hindi masusukat sa halaga kundi ung effort na galing sa puso and gusto mo mapasaya ung mahal mo sa buhay in little things”

“These are the things that money cant buy. Simple yet priceless.”

“Awww. So sweet!! Sana matulungan po natin sila!”

“Masaya ako n mkakita ng ganyan khit mga bata pa napakita at nparandam nila ang kahulugan ng “tunay na pgmamahal”sa knilang papa.”

“God bless sa pamilyang ito. Sa kabila ng kakapusan nakikita pa rin ang magandang dahilan para mapasaya ang kanilang ama sa kanyang kaarawan.. Mapalad ang amang ito na napamulat ang mga anak sa simple at makabuluhang pamumuhay. Happy birthday po!”

“Sana ganyan lahat mga anak…”

“Nakakatouch na mga anak! Nawa dumami ang angkan ninyo!”

“Kung ako ung tatay Grabe iyak ko…. kaya magpasalamat kanalang talaga at wag kang magreklamo”

“kaya talaga naniniwala akong pag gusto palaging may paraan..”

“simplest is the best talaga. no need ng magarang handa. basta alam mong mahal na mahal ka ng pamilya mo.”

Samantala, nakarating na sa sikat na broadcaster na si Raffy Tulfo ang tungkol sa mga batang ito.

Nag-abot na siya ng tulong na tig-limang libong piso sa anim na magkakapatid, sampung libong piso sa ama na nagngangalang Buhay Dela Cruz, at sampung libong piso rin sa asawa nito.

Niregaluhan din niya ng sidear ang pamilya na magagamit na ni Buhay sa paghahanap-buhay.

Maging ang nag-share ng mga larawan sa Facebook na si Melody ay nabahagian din ng limang libong piso.