LAUNDRY SHOP SA PORAC, PAMPANGA, HINANGAAN DAHIL SA KATAPATAN

LAUNDRY SHOP SA PORAC, PAMPANGA, HINANGAAN DAHIL SA KATAPATAN

Isang laundry shop sa Porac, Pampanga ang nakatanggap ng papuri mula sa mga customers at maging ng mga netizens dahil sa katapatan ng mga labandera nito.

Sa report na ABS-CBN news, ikinatuwa umano ng mga nagpapalaba ang katapatan ng mga nasabing labandera dahil kahit piso lang na naiwanan ng may-ari sa labahing damit ay siguradong isinasauli ng mga labandera.

Sa kwento ng may-ari na si Marlene Pineda-Carbungco, hindi lamang pera ang madalas naiiwanan na kasama ng mga labada.

Sa ilang pagkakataon, may mga gadgets, resibo, alahas, at pati lighter na naisasama sa maruruming damit.

Ikinakatuwa raw ng mga customers ang katapatan ng mga labandera dahil madalas na hindi naman alam ng mga customers na may naiiwan silang mahahalagang gamit sa kanilang labahin.

Dalawang taon pa lamang ang nasabing laundry shop at kahit sa simula pa lamang ay adhikain na nila ang maging tapat sa kanilang mga kliyente.

Dahil dito, hinahangaan ang mga labandera ng shop na sina Elsie Ramos at Margie Vistan.

Sa kabila ng pinagdadaanan nating paghihirap ngayon dahil sa pandemic, hindi sila nagtukso sa pera, maliit man o malaki ang nasabing halaga.

Maging ang mga netizens ay nagpahayag ng paghanga sa katapatan ng mga ito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

samantalang ung pinag lalaudryhan ko sa western bicutan..tuwang tuwa ung mag-asawa sa pera naiwan sa washing bago idry ..nagtatalo pa sa hatian..wa pake kht may ibang customer nakakita..kalurks”

“Sana lahat ng laundry shop ganito ? may nga laundry na minsan kulang na pares ng medyas or kulang ng isang underware ????

“Naku, sorry na! Ako talaga pag nakakita ng 500pesos sa bulsa ng mga damit ng asawa ko,ibubulsa ko talaga!”

“Marami po gumagawa niyan! Hehe”

“Ako sa work pati 25 cents binabalik ko sa client namin, pag nkalimutan ko ibigay s araw n un?? Kaya ang ang tiwala nila sakin malaki.. Nakakatuwa pag ganun???????

“Just like in Washtown Lingayen, the employees always see to it that everything is returned/taken care of.”

“Mapapasana all ang asawa ko dyan.. Pag nilalabahan ko kasi gamit nya, at nakakakita ako ng pera, wala ng balikan! HAHAHAHAHA! Nagtataka nalang sya kung bat ganado ako maglaba. HAHAHAHAHA! Sorry #dishonestwife here!”

“Sana ganiyan ang gobierno..ibalik sa tao ang ibinabayad na tax ng magandang serbisiyo..wala eh puro magnanakaw.”

“sanaol. samantalang yung laundryshop sa gentri, kinukuhanan pa ko ng mga damit, dun naubos ang adidas ko, mga pang bahay ang tira hahahaha hanep talaga!”

“Sana ganon din ang mga nkaupo sa gobyerno, ibalik nila yong pera ng taong bayan.. Sana tularan to ng mga politiko..”

meron pdin nman mga taong mabubuti ang kalooban..godbless you all

“Good job to all Laundry shop owner’s/staff…But, to all kind of bussiness,be Honest and the God w’ll pay you more blessing’s…”

“Ganito yung mga Manggagawa na dapat bigyan ng Tamang sahod, Benefits, at Buong tiwala. Bibihira na makakita ng ganyang tao ngayon lalo na’t hirap sa buhay ang mga Tao. Mabuhay ka po, sana dumami pa ang katulad mong may mabuting puso.”

“Oo nga nman maliit n bagay o malaki hindi natin pag intrisan kahit mahirap lng tayo nangyari narin yan s akin at s mg ina ko nakapulot sila ng bag may laman n pira hindi kmi nagdalawang isip n ibalik s tunay n may2 ari kya good job po s inyo”