Baron Geisler, sinagot ang mga sabi-sabi: ‘I don’t have to answer to anyone except my God’

Baron Geisler, sinagot ang mga sabi-sabi: ‘I don’t have to answer to anyone except my God’

Naging emosyonal ang dating kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler matapos alalahanin ang kanyang nakaraang buhay. Ayon sa kanya, isang malaking pagsisisi na hindi siya nakita ng kanyang ina na tumigil sa kanyang mga bisyo.

Sa isang interview para sa vlog ni Toni Gonzaga, binalikan ng aktor ang sandalling nalaman ng kanyang pamilya na yumao na ang kanilang ina.

Ang kwento ni Geisler, “I remember that night, I was preparing to go to a five-day retreat. I was sober for a while. So I went to her room and I said, ‘Mom, Baron here. I’m a good boy. Punta akong retreat. I will see you when I get back’.

Screenshot/ Toni Gonzaga youtube

Parang sa pelikula. She tried to stand up to say something. Sabi ko, ‘Mom, what is it? What is it?’ On a happier note, dahil sa long hair ko and bigote, feeling ko baka akala niya ako si Jesus, sumusundo. Nilapitan ko na siya. Kumuha ako ng pen light, chineck ko ‘yung mata ni mommy. Nakita ko slowly nagdi-dilate. That’s when I knew that we lost her. I was there.”

Isa sa mga pangarap ni Geisler ang makita ng kanyang ina ang pagbabago ng aktor.

My dream kasi nung time na ‘yun was for my mom to see me clean. Madami naman ang nagsasabi na ‘She’s proud of you now’.”

Screenshot/ Baron Geisler Facebook account

Bagamat yumao na ang ina ni Geisler, nananatili pa ring siyang inspirasyon para sa aktor. Naniniwala si Geisler na hanggang ngayon, binabantayan pa rin siya ng kanyang magulang.

There are times ng ana para akong baliw. I still say a little shout out kay mom na I wish you were here. Kasi may baby ako, hindi niya naabutan ‘yung apo niya. Lahat ng mga anak ng mga kapatid ko, naabutan niya. Ako lang ‘yung hindi. Kung buhay siya, is-spoil niya si baby Tali.”

Kilala ang aktor sa kanyang mga kontrobersiya noong bago pa lamang siya sa industriya. Kasama na dito ang kanyag pagkakasangkot sa mga away at ang kanyang adiksyon.

Ngayon, masayang ibinalita ng aktor na matagal na siyang hindi bumabalik sa kanyang mga bisyo at nasasangkot sa anumang gulo. Dahil siya ay isang nang “family man”, napagtanto na ng aktor ang kanyang totoong sarili.

Gayunpaman, alam ng aktor na magigin parte na ng kanyang imahe ang kanyang mga nagawa noon.

Screenshot/ Baron Geisler Facebook account

The doubts will always be there. ‘Baron, totoo ba iyan? Return of the comeback na naman? Baka mamaya puro salita lang iyan, after a few film, babalik na naman iyan sa dati’.

I am ready for that na. My recovery is not for Jamie, it’s not for Tali. It’s for me. Because how can I lead a family if I am not ready, if I am not whole?

As we grow older, we evolve and hopefully for the better. I want to evolve to become a really, really good leader. A respectable man. I don’t have to answer to anyone except my God because only Him and I have a relationship and it’s a very special one. Nobody can take that away from me.”