Neri Naig, nakabili na ng pangarap na lupa, nagbigay ng business advice

Neri Naig, nakabili na ng pangarap na lupa, nagbigay ng business advice

Makikilala si Neri Naig-Miranda bilang asawa ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Ngunit, hindi lamang siya basta-bastang asawa ng isang sikat na rakista.

Si Naig ay unang naging aktres hanggang sa naging isang matagumpay na businesswoman na naging ehemplo sa maraming tao, lalong-lalo na para sa mga babae. Marami ang naipundar ni Naig at marami na siyang nasubukang gawin sa business, tulad na lamang ng pagtitinda ng ukay-ukay hanggang sa kanyang sikat na gourmet tuyo.

Kamakailan lamang ay ipinagmalaki muli ni Chito Miranda ang kanyang asawa matapos makabi ng kaniyang pinapangarap na lupain para sa kanyang farm.

Sa Instagram post ng singer, sinabi ni Maranda na ipinakita na naman ng kanyang asawa kung papaano maging matagumpay sa buhay.

Screenshot/ Neri Naig Facebok account

Binabakuran na ng babaeng binakuran ko yung bukid na binili niya. Naaalala ko pa nung una n’yang sinabi sa akin na balak n’yang bilin ‘yung lupa sa likod ng resthouse namin.”

Ayon kay Miranda, alanganin pa sa kanya noong una ang ideya na bibili ng ganoong kamahal na ari-arian ang asawa dahil baka hindi niya ito makayanan. Ngunit sa kinaloonan, napatunayan ni Naig na kaya niyang akuin ang dagdag na pinansyal mula sa kaniyang iba’t ibang businesses.

Initially, I was honestly unsure kung kaya n’ya bang bayaran ito, and I kept on reminding her to really think about it first, at aralin niya muna ‘yung financial capacity at capability nya, at ‘wag siyang pabigla-bigla kasi ayokong mapasubo s’ya na tipong magda-down siya tapos di na niya mababayaran yung remaining amount.”

Dagdag pa ng singer, puspusang pag-uusap ang ginawa nilang mag-asawa sa tungkol sa plano ni Naig at ganoon din ang tyaga ng kanyang asawa sa pagne-negotiate sa may-ari ng lupa.

Screenshot/Neri Naig Facebook account

Ani ni Miranda, natapos na ni Naig ang huling bayad niya sa lupa noong nakaraang taon.


“Again, she showed me how it should be done. Dream big. Workd hard. Focus on your goals, and never give up. Last October, nakumpleto ni Neri yung huling bayad sa may-ari and she got her farm. Bilib na bilib talaga ako.”

Ayon kay Naig, binili niya ang lupa para maging taniman ng mga ingredients para sa kanyang gourmet tuyo. Balak din niyang magtayo ng manukan at palawakin ang kanilang farm.

Screenshot/ Neri Naig Facebook account

Sa isang interbyu na ginawa ni Neri Naig kasama ang Business News Philippines, ang kakayahan ng isang tao na maging matapang ay mahalaga para mapagtagumpayan ang itinayong business.

Hindi ako takot. Nag-start ako sa walang-wala talaga. Kaya ano pa ba ang kakatakutan ko nung nangsisimula ako sa negosyo? Laki ako sa hirap, nangangarap ng malaki pero alam kong hindi imposibleng makamit,” ang sabi ni Naig.

Ang payo niya para sa mga gustong magtayo ng business: “Fear ang unang tatalo sa atin. Kapag walang execution, hanggang pangarap lang yan. Sayang naman kung hindi mo susubukan. Magtiwala ka sa sarili mo na kaya mo. Importante iyan. Kahit ano pa ang sabihin ng iba na di ka magiging successful, nababagsak ka lang. Push yourself more.

Patunayan mo sa sarili mo na kaya mo. Wala kang kailangang patunayan sa kanila. Sa sarili mo lang.”