TIGNAN: Vice Ganda, nagtrending sa YouTube matapos ikwento ang dapat na birthday celebration

TIGNAN: Vice Ganda, nagtrending sa YouTube matapos ikwento ang dapat na birthday celebration

Naging laman na naman ng Trendings chart sa YouTube ang aktor at komedyante na si Vice Ganda matapos ang kaniyang try-on haul ng mga mamahalin na swimsuits at accessories.

Sa YouTube ng komedyante na “Ang nakaka-SOCIETY kong Swimsuit Collection!”, ibinahagi ni Vice Ganda ang dapat na plano ng komedyante sa kanyang pagce-celebrate ng kaarawan kasama ang kaniyang kaibigan at pamilya.

Screenshot/Vice Ganda Youtube

Ayon kay host ng “It’s Showtime”, matagal na niyang pinagplanuhan ang kanyang birthday celebration dahil kinansela niya ang kanilang party noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 lockdown. Dagdag pa niya, lalo niyang binonggahan ang kanilang celebration ngayon taon na dapat imbitado ang kanilang pamilya, mga kaibigan, at ang pamilya ng kaniyang boyfriend na si Ion Perez.

Sa kanyang vlog, ngayong March dapat maghahanda ang komedyante. Nag-renta siya ng isang exclusive na private beachfront kung saan sila lamang ang tatao, pati na rin ang pag-aarkila ng isang private plane para sa kaniyang pamilya dahil ayaw niyang mag-commercial flight ang kaniyang ina dahil sa risk ng COVID-19 exposure.

We rented a private plane for my family because I don’t want to take my mother on commercial flights. But it suddenly locked down again, so cancelled,” ang dismayadong kwento ni Vice.

Sa punto ng kaniyang vlog, inamin ni Vice na marami siyang biniling damit at accessories na dapat niyang susuotin para sa kanyang birthday celebration. Karamihan nito ay mga luxury designer swimsuits.

Screenshot/Vice Ganda Youtube

Dahil bukod sa kanyang birthday, gusto rin ni Vice na magkaroon ng mga bonggang content para sa kanyang Instagram dahil ngayon na lamang siya makakalabas. Pero dahil sa lockdown, napagpasyahan na lamang ng komedyante na gawing try-on video ang dapat niyang birthday celebration.

I will show you my summer 2021 function that has become meaningless because we were not able to go to the beach this summer. Because we are still in quarantine, girl.”

Dagdag pa ni Vice, ito dapat ang kanyang magiging redemption period para sa kanyang mga pinagdaanan noong nakaraang taon.

Last year there was nothing completely, I will recover this year. I deserve it. Because I was sad, I was stressed, I was working. I said I will give it to myself,” ang sabi niya.

Screenshot/Vice Ganda Facebook

Agaw-pansin naman sa mga netizens ang mga swimsuits na ipinakita ni Vice, na kanyang binili dahil alam niyang papatok ito sa kanyang social media accounts. Ilan na lamang dito ay ang mga swimsuits mula sa luxury fashion houses na Balmain at Versace.

Bukod pa roon, bumili din siya ng isang classic Gucci brim hat para sa kanyang boat outfit kasama na rin ang kanyang personalized bath robe mula sa Versace.

Nagpatahi din si Vice ng isang black, pleated swimsuit at bestida sa kanyang designer friend na si Jaz Cerezo. Si Cerezo rin ang nag-design ng isang red baby doll dress na dapat susuotin ng komedyante para sa kanyang birthday dinner.

Para mawala ang kanyang disappointment, magarbong minodel at nirampa ni Vice Ganda ang kanyang mga bagong biling swimsuits sa swimming pool ng kaniyang bahay.

For more updates, Please follow us on Facebook