Janella Salvador, malugod na binati ng mga netizens matapos ang kanyang pagbabalik-trabaho ngayong Mother’s Day

Janella Salvador, malugod na binati ng mga netizens matapos ang kanyang pagbabalik-trabaho ngayong Mother’s Day

Matapos mawala sa mata ng showbiz dahil sa kanyang pagbubuntis, balik-trabaho na ang aktres na si Janella Salvador para sa kanyang magazine cover photo shoot ngayong selebrasyon ng Mother’s Day.

Sa kanyang interview sa YouTube channel ng Star Magic, nagbigay ng sneak peek si Salvador ng kanyang photo shoot para sa Metro.style. Inamin din ng bagong ina na lubos niyang na-miss ang buhay-showbiz matapos ang kanyang pagdadalang-tao at pag-aalaga sa kanyang anak na si Jude.

I am very very excited to go back to work. I was super excited about the shoot today. I really missed everything. I missed this full setup. It’s the teamwork that I missed like this whole process when you shoot,” ang sabi ng aktres.

Screenshot/ Janella Slavador Facebook

Actually, I don’t have any plants to celebrate Mother’s Day this year but I’m just excited to spend it with family…spend it with Jude here at home. Be safe,” ayon kay Salvador.

Ibinahagi rin ni Janella ang kanyang personal na karanasan sa kanyang pagbubuntis at pagiging ina sa kanyang anak na lalaki. Aniya, nagulat siya kung gaano kalakas ang katawan ng isang babae lalo na sa proceso ng panganganak.

Screenshot/ Janella Salvador Facebook

What I discovered is that my body is stronger than I thought it was because te amount of the pain and what you have to go through to gie birth to a human being is crazy.”

Dagdag pa niya, may mga bagay na kaya na niyang gawin ngayon ng walang paghihirap. Hindi raw siya gumigising agad-agad ng madaling araw dati ngunit noong naging ina na siya, naging normal na lamang ito para sa aktres.

I didn’t think I could do it but I did so I discovered that I am actually strong. Kaya ko pala magising agad-agad ng 3AM kasi dati hirap na hirap ako.”

Seryoso ring inamin ni Janella Salvador ang kanyang pag-aalinlangan lalo na noong nalaman na niya na siya ay buntis. Hindi siya kumbinsado na kakayanin niya ang magpalaki ng bata ngunit nang siya ang manganak kay Jude, nahanap na ng aktres ang kanyang maternal side.

Screenshot/ Janelle Salvador Facebook

When I was pregnant pa lang, I was having doubts na kaya ko ba i-raise si Jude. Will I be mentally strong for it? Will I be up for it? Once he was here, it’s just automatic. Mother’s instiunct. I didn’t know I had a maternal side to me,” ang sabi ni Salvador.

Maaalala na naging laman ng balita si Salvador noong nakaraang taon dahil sa mga haka-haka na siya ay buntis dahil sa kanyang pansamantalang pagretiro sa United Kingdom. Kamakailan lamang isinapubliko ng aktres ang kanyang pagbubuntis.

Bumalik si Janella Salvador sa Pilipinas noong Pebrero kasama ang kanyang kasintahan na si Markus Paterson at ang kanilang anak na lalaki na si Jude.

For more Updates, Follow us on Facebook