Miss Universe PH Rabiya Mateo, nahulog sa pool sa shooting ng MU

Miss Universe PH Rabiya Mateo, nahulog sa pool sa shooting ng MU

Ginawang katatawanan ni Miss Universe Philippines bet Rabiya Mateo ang kaniyang sarili matapos mahulog sa pool sa kalagitnaan ng kanyang Miss Universe shoot.

Mulasa mga video clips na ibinahagi ng training camp ni Mateo na Aces & Queens sa Instagram, ipinakita ng ahensya ang beauty pageant na nasa kalagitnaan ng isang shoot kasama ang ibang mga Miss U contestants sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Florida.

Screenshot/ Rabiya Mateo Instagram

Suot ang isang all-pink outfit at sombrero, pinagtawanan ni Mateo ang insidente.

A lot of things happened. First of all, I accidentally fell in the pool so I got half of my outfit wet. And then I almost lost my diamonds,” ang kwento ng beauty pageant.

Aniya, mas lalo pa siyang nag-alala para mga diyamante na suot niya sa shoot dahil hindi naman siya nasaktan sa pagkahulog. Buti a lamang at hindi nawala ang suot niyang jewelry na sponsored ng Drake of Luna.

I just want to let you know that the diamonds are safe. You have nothing to worry about. I just want to say thank you to Drake of Luna for letting me borrow his diamonds,” ang sabi ni Mateo sa kanyang personal na Instagram story.

Si Mateo ang unang representante sa ilalim ng Miss Universe Philippines na pinamumunuan ng Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup at ang kanyang beauty queen maker na si Jonas Gaffud.

Sa mga nakaraang taon, ang lahat ng mga delegado ng bansa para sa Miss Universe ay ipinapadala ng Binibining Pilipinas Charities Inc. na siya ring nagsasagawa ng taon-taong Bb. Pilipinas pageant.

Screenshot/ Rabiya Mateo Instagram

Gaganapin ang ika-69 na Miss Universe competition sa Florida sa May 16 (May 17 sa Pilipinas).

Walang natanggap na suporta? Catriona Gray, nagbigay-klaro sa kanyang Instagram

Screenshot/ Catriona Gray facebook

Sa kabilang dako naman, naging usap-usapan sa Instagram ang umano’y hindi pagbibigay suporta ng Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Rabiya Mateo.

Nagsimula ang alegasyon matapos mag-post si Gray ng isang throwback photo ng kanyang pagdating sa Thailand para sa Miss Universe pageant noong 2018 habang magsisimula na ang kasalukuyang Miss U sa Florida.

Sa kanyang caption, “Ang just like that, it’s @missuniverse season again!I think it’s such an amazing feat that the delegates from around the world have been able to present in Florida, USA having overcome all the challenges that I’m sure they and their team faced!

So shoutout to all the contestants, their teams, and their families who have helped in allowing each woman to strive for her @missuniverse dreams despite the current climate!…Who are you all cheering for?”

Sa post niya, pinunto ng mga commenters kung bakit hindi publikong sinuportahan ni Gray si Mateo. Kinumpara pa ng mga netizens si Gray at Pia Wurtzback kung saan nagbigay na ng suporta si Wurtzback para kay Mateo.

Really? You’re a Filipina. Instead of cheering for Mateo, you ask people who they are cheering for?” ang sabi ng isang commenter.

You can at least show support to Rabiya even just through your insta story. We know Pia has shown her support!” dagdag naman ng iba.

Ang sagot ni Catriona Gray, “I’m a Filipina AND a Miss Universe. It’s a celebration of women from all over the world.” Sabi rin niya, nag-reach out na siya kay Mateo privately at hindi lahat ay dapat naka-display sa social media.