Mga Netizens, nabighani sa ‘glow up’ ni Miss Everything

Mga Netizens, nabighani sa ‘glow up’ ni Miss Everything

Nabigla ang mga netizens sa internet sensation na si Erika Camata, na mas kilala bilang Miss Everything, nang ibahagi ng viral star ang kanyang bagong itsuramatapos ang kanyang cosmetic surgery.

Sa Facebook page ng Toledo Medical Companies inilabas ang bagong look ni Miss Everything pagkatapos sumailalim sa walong iba’t ibang operasyon para sa kanyang transformation.

Screenshot/ Ms Everything Facebook

Ayon sa Toledo Medical Companies, marami man ang naging operasyon ni Miss Everything para sa iba, inenhance lamang nila ang natural look at features ng viral star. Aniya, importante ito dahil kilala si Miss Everything sa kanyang itsura at pagpapatawa .

Dr. Toledo polished yet preserved the natural look as Ms. Everything portrays comedy roles in her blogs,” ang sabi sa statement.

Mula sa report ng medical company, sumailalim si Miss Everything sa “facial harmony by volume correction, barbie forehead, almond eyes, chin augmentation, perfect jaw angle, lip reduction, and rhinoplasty with sailboat alar plasty”.

Naging sikat ang viral star dahil sa kanyang TikTok videos na umani ng milyon-milyong mga views.

Sa kanyang nakaraang interview sa “Magandang Buhay” noong 2020, inamin ni Carmata na “overwhelmed” siya dahil sa atensyon na kanyang nakuha mula sa pagiging viral. Ngunit, sadyang nakasanayan na ni Miss Everything ang pagpapatawa.

Screenshot/ Ms Everything Facebook

Actually mula po sa pagkabata, nagpapatawa na po ako. Hanggang sa paglaki ko, nadala ko.”

Kilala si Carmata bilang Miss Everything dahil sa kanyang iconic line na “hi everything” —ang kaniyang sariling bersyon ng “hi everyone”.

Sa pagbabahagi ni Miss Everything sa kanyang personal life sa likod ng mga TikTok videos, ikinuwento ng viral star na ang kanyang lola ang nagpalaki sa kanya matapos yumao ang kaniyang ama at nagkaroon na ng bagong pamilya ang kanyang nanay.

Hindi na rin siya nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil kinailangan na niyang magtrabaho nang siya ay makapagtapos ng Grade 12. Siya ngayon ang breadwinner ng pamilya at tumutulong sa pagpapaaral ng kanyang kapatid.

Para kay Miss Everything, importante na patuloy pa rin na maging masaya sa buhay kahit may mga pagsubok na pinagdadaanan. Naging outlet na rin niya ang pagpapatawa bilang paraan ng pag-cope sa kanyang mga problema.

Screenshot/ Ms Everything Facebook

Yung sa likod ng pagpapatawa ko, kahit paano may kalungkutan. Sa lahat po ng mga tao, importante maging masaya. Na-apply ko yun kasi kung sa buhay mo, malungkot ka, madadamay lahat sa bahay niyo. Dapat masya para masaya ang pamilya.”

Noong nakaraang Pebrero, bumida ulit si Miss Everything matapos siyang mapansin ni British pop singer Anne-Marie.

Matapos niyang makita ang cover ni Miss Everything ng kanyang kanta na “2002”, sinabi ng singer na gusto niya itong maka-collab.

She can actually sing!” ang sabi niya sa kanyang reaction video. “It was all perfect. She got all the lyrics perfect and then came the chorus. She made it her own now. We should do a duet, a collaboration, but use her lyrics.”

Dagdag pa ni Anne-Marie, pinakapaborito niya ang cover ni Miss Everything ng kanyang kanta at hindi siya mabo-bored kakapanood nito.

This might be my favorite cover of ‘2002’. I’ll watch that every week for the rest of my life.”