Tweet ni Catriona Gray tungkol sa Miss Universe costume picks, inulan ng opinyon

Tweet ni Catriona Gray tungkol sa Miss Universe costume picks, inulan ng opinyon

Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Miss Universe 2018, Catriona Gray sa kaniyang tweet ukol sa kaniyang Top 6 Costume picks kung saan hindi kasama ang Pilipinas.

Ayon kat Cat, “Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costume Who were yours?”

Photos from Catriona’s Gray Instagram

Ang tweet niyang ito ay tumanggap na magka-halong opinyon mula sa kaniyang mga fans at fans ni Rabiya. Ayon sa ilang nag komento, hindi raw dapat ito binanggit ng Dating Miss Universe sapagkat maaari nitong ma-apektuhan ang estado at kompiyansa ng kasalukuyang pang-bato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo at ang tyansa nito manalo sa pageant event.

Photos from Catriona’s Gray Instagram

Narito ang ilang komento mula sa mga bumatikos kay Cat,

Cat should have kept her opinion and not publicize it… We all know that she is really a big influencer in beauty pageants so it will somehow affect the chances of Rabiya… Ka-sad lang,”

It’s okay to express your thoughts and opinions, everyone is entitled to that. Pero there are things that we have to keep [to] ourselves, lalo na kung makakaapekto ito sa candidate ng sarili nating bansa,”

Ngunit dinepensahan din naman ng karamihan si Cat, at dinahilan na dapat ay maging neutral ang dating Miss Universe.

Not because she didn’t mention the Philippines on her list doesn’t mean na di niya nagustuhan ang NatCos ni Rabiya. Top 6 niya ‘yan so respect! Saka wala namang points ang natcos sa totoong laban. Focus tayo kay Rabiya! Laban lang.” Sabi ng isang komento.

Sa kasunod na post ay ipinaliwanag ni Cat na ang kaniyang naging pahayag ay tungkol lamang sa costumes at wala itong kinalaman sa performances ng nasabing contestants.

Photos from Catriona’s Gray Instagram

Matatandaan nitong nakaraan na naging emosyonal sa Rabiya Mateo sa kaniyang live kung saan siya ay nag-sorry sa mga fans na na-dismaya sa kaniyang costume.

Gaganapin ang Grand Coronation ng Miss Universe 2020 sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas) sa Seminole Hard Rock & Casino Hollywood, Florida.

-Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.