John Lloyd Cruz, bumalik na para sa kaniyang Showbiz “Comeback”

John Lloyd Cruz, bumalik na para sa kaniyang Showbiz “Comeback”

Mainit na tinanggap ng mga fans ang pagbabalik ng Sikat na Aktor na si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na ang sikat na actor na si John Lloyd ay Nawala sa halos limang taon na pagpa-pahinga, ito ay pagkatapos ng kaniyang “indefinite leave” noong 2017.

At noong 2020 lamang, ayon sa isang interview niya kay Boy Abunda, kaniyang ipinaliwanag ang Hiatus at sinabing “Nakakaubos iyong dine-demand ng ganitong trabaho. And bilang creator, gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang mag-deliver,”

D:\client\john-lloyd-cruz-showbiz-comeback-1621151733883-546.jpeg
Photos from John Llyod facebook account

Simula noon ay naging madalang na ang kaniyang “public exposure” sa kahit anong media at balita.

Ngunit nitong nakaraan lamang, ay nag-post ang Agency Management ni Maja Salvador na Crown Artist Management ukol sa pagbabalik ng nasabing actor.

Photos from Crown Artist Management Instagram

We are happy to share with you the CAMback of the one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management,”

Photos from Crown Artist Management Instagram

Iyan ang naging pahayag ng Talent Agency na nag-post nitong nakaraang huwebes.

Nag-trending din ang isang video ni John Lloyd sa isang video na pinost naman ni Maja Salvador.

Makikita sa video ang pag-baba ng aktor sa eroplano papunta sa isang sasakyan, na sumisimbolo sa kaniyang muling pagbabalik sa Showbiz.

Ayon sa caption ni Maja, “Get ready!” kasama ang hashtag na #TheCAMbackIsReal.

Screenshot from Maja Salvador Instagram

Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga kilalang tanyag na aktor o artista ng ABS-CBN, siya ay naging parte ng napakaraming palabas tulad ng “It Might be you”, “Maging Sino ka man” at marami pang iba. Siya rin ay naging parte bilang ka loveteam nila Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga at Angel Locsin.

Kaya naman hindi maitatanggi na ang kaniyang pag-alis pansamantala sa Showbiz ay nag dulot ng matinding pagkalungkot sa kaniyang mga fans.

Ngunit dahil sa kaniyang pag-balik ay muling ginanahan ang karamihan lalo na’t inaasahang may mga bago siyang pelikula tulad ng “Servando Magdamag” na pangungunahan ni Direktor Lav Diaz.

-Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.