Miss Taguig City, may pasabog tungkol sa Miss Universe Philippines 2020

Miss Taguig City, may pasabog tungkol sa Miss Universe Philippines 2020

“Karma is real soon. We deserve justice!”, giit ni Miss Taguig City Sandra Lemonon matapos matalo sa kakatapos lang na Miss Universe Philippines 2020.

Ilang oras lamang pagtapos koronahan si Miss Iloilo city bilang Miss Universe Philippines, nag-post si Miss Taguig ng mga cryptic Instagram stories sa kanyang account. Maraming netizens ang nagaabang sa pasabog ng dalaga.

Sa kabilang banda, nag-post rin ang MUP national director na si Shamcey Supsop ng isa pang kontrobersyal na mensahe:

“To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility – these are the marks of a true QUEEN”.

What is with Miss Taguig Sandra Lemonon's cryptic posts on Instagram?

Hindi man malinaw kung para kanino ‘tong post, nag-post ulit si Miss Taguig City sa kanyang Instagram Story na para bang sinasagot ang 2011 Miss Universe third-runner up na si Shamcey Supsop: “Accepting defeat graciously is one of the many marks of being a queen. But what you forgot to say is that REAL queens play FAIR don’t CHEAT.”

Pumasok si Sandra sa Top 16 Finalists ng pageant at rumampa pa sa Swimsuit at Evening Gown competition, ngunit hindi umabot sa Top 5.

Ayon sa kandidata ay talagang iniyakan niya ang Miss Universe 2020 dahil sa mga pangyayaring ibubunyag niya rin.

“Coffee time soon”, aniya, “because we deserve justice”.

Ano nga ba ang tinutukoy ng dalaga? Ano ang pasabog tungkol sa Miss Universe 2020? May lutuan bang nangyari?

What’s the tea?