Vice Ganda at Ion, Happy TWO-gether!

Vice Ganda at Ion, Happy TWO-gether!

Ang mga hosts sa “It’s Showtime” na sina Vice Ganda at Ion ay pinagdiwang ng pangalawang taon ng kanilang relasyon noong October 5 sa Santa Rosa, Laguna.

Pagkatapos ng Mandatory COVID-19 testing at health test, pinayagan ang magkasintahang pumunta sa Enchanted Kingdom para i-celebrate ang kanilang anniversary.

Nag-vlog din si Vice na may title na “Happy TWO-gether!!! Vice-Ion’s 2nd Anniversary Celebration!”

“Ang sarap nung naging free tayo, tanggap tayo ng tao, kahit may ilan na hindi pa rin,” sabi ni Ion.

Kasama ang ilang mga kaibigan, nag-enjoy ang dalawa sa mga rides sa Enchaanted Kingdom. Nag-ferris wheel din sila.

Pinasalamatan nila ang management ng Enchanted Kingdom na pinayagan silang pumasok sa theme park kahit hindi pa ito bukas para sa publiko.

May hinanda ring regalo ang komedyante para sa kanyang boyfriend. Sa tulong ng kaibigan niyang si Moira dela Torre, ginawa nilang kanta ang tulang sinulat ni Vice na “Mahal Ako ng Mahal Ko”.

Ang damdamin ko, naikwento ko siya sa isang tula. Tapos ‘yung tula ginawa kong kanta. Pinakiusapan ko si Moira kung pwede niya akong tulungan na ‘yung tula na ginawa ko para sa iyo ay maging kanta para marinig ng maraming-maraming tao. Tumanda man tayo, mawala man tayo, hindi mawawala ang kuwento natin kasi patuloy na maririnig ang kuwento na ‘yun sa pamamagitan ng kanta,” sabi ni Vice Ganda.

Vice Ganda opens up about life being with boyfriend Ion Perez during  quarantine

Sobrang saya ng dalawa sa vlog, at sinabi rin nilang patuloy nilang mamahalin ang isa’t isa.

Napaluha si Ion habang kinakantahan siya ni Vice Ganda. Mapapakinggan ang kantang ito sa Youtube.