Cardo Dalisay, kasama sa TV5 Station ID?

Cardo Dalisay, kasama sa TV5 Station ID?

Ang kilalang pangalan na Cardo Dalisay mula sa FPJ’s Ang Probinsyano ay isa sa mga naging parte ng panibagong Station I.D na inilabas ng TV5.
Ang Station ID ng TV5 ay may slogan na “IBA sa 5”, at base sa kanilang post:
“Iba ang feeling ‘pag alam mong marami kang napapasaya. That’s why at TV5, we want to give it all para sa ‘yo. Iba-iba man ang hanap, lahat nandito na, Kapatid.”

Photo from TV5 Facebook Page


Ang pagiging parte sa Station ID ni Cardo Dalisay o mas kilala sa tunay niyang pangalan na si Coco Martin, ay hindi na bago ngunit marami pa rin ang nagulat dito dahil mag-kalaban ang dalawang estasyon na ABS-CBN at TV5. Kaya naman ay hindi inasahan ng karamihan na maglalabas ng Station ID ang TV5 sa ganitong panahon kasama ang nasabing ABS CBN Artist.

Ang Station ID post naman ng TV5 ay shinare rin ng ABS-CBN, na may caption na 

“Kapamilya at Kapatid, andito kami para sa inyo kaya naman ang inyong mga paboritong #ABSCBNEntertainment shows gaya ng FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init Sa Magdamag, Count Your Lucky Stars, ASAP Natin ‘To at FPJ Da King ay tuloy-tuloy lang ang pagpapasaya sa TV5! #IBAsa5,”

Photo from ABS-CBN Facebook Page

Ang kilos na ito ay gumawa ng ingay at tuwa sa mga fans ng magkabilang estasyon.  Matatandaan na noong May, 2020 ay shinutdown ang ABS-CBN sa legal na kadahilanan, ngunit ito rin ay kinontra ng iba na dahil daw ito sa personal na galit ni Duterte sa nasabing estasyon. Ngunit ano pa man ang dahilan, ang pagsa-sara ng ABS-CBN ay nag-resulta sa pagkawala ng trabaho ng daang-daang mga tao at napakaraming artista. 

Kaya naman nag-alok ang TV5 sa ABS-CBN ng tulong, at noong January lamang ay nagkaroon ng “blocktime or airtime leasing deal” ang TV5 at ABS para sa pagpapalabas ng ilan sa kanilang mga shows.

C:\Users\NEM\Downloads\20210121-asap-natin-to-1611201352624.jpg
Photo from Rappler

Kabilang sa mga palabas na nalipat sa TV5 ay ang ASAP Natin ‘to, Huwag kang mangamba, at marami pang iba.

Nagkaroon din ng mga bagong shows ang artista ng ABS-CBN kasama ang mga artista ng ibang estasyon sa TV5, partikular dito ang bilang ng mga gameshows na inere sa TV5 ngayong taon. Ang ilan sa mga artista ng ABS-CBN na nasama rin sa Station ID ay sila Tirso Cruz III, Lorna Tolentino, Andre Brilliantes, Enchong dee at marami pang iba.

Inyong i-share ang kwentong ito at ating pag-usapan ang pagtu-tulungan ng dalawang estasyon sa gitna ng pandemiya.

– Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.