Isang Ginoo, ibinigay ang kaniyang naipon para ipang-tulong sa community pantry

Isang Ginoo, ibinigay ang kaniyang naipon para ipang-tulong sa community pantry

Trending ngayon ang ginawang kabutihan or “act of kindness” ng isang lalake sa Tandang Sora, Quezon City. Siya ay si Manong Romeo, ayon sa post, ito si Manong Romeo raw ay kumatok sa gate ng ICY (Integrated Center for the young) ng hapon, nung una ay inakala nila na ito ay manghi-hingi ng goods mula sa kanilang community pantry, subalit si Manong Romeo ay nag abot ng kaniyang 46 pesos na kinita mula sa pagbe-benta ng mga bakal, dahil nais niya raw makatulong sa kahit anong paraan. 

C:\Users\NEM\Downloads\174203810_4010654095658105_4638190051784810987_n.jpg
Photo from Integrated Center for the Young

Ayon sa opisyal na caption ng post, 

“This is Manong Romeo. The other night, Manong knocked on the gates of ICY. At first we thought Manong was looking to get some goods from the ICY Community Pantry which had already closed for the day. Imagine our surprise, when instead, he handed Kuya Dodoy P46 pesos in small bills and some loose change. He said he wanted to help in any way he can, so he sold metal scraps and donated what little money he raised. 

We were so happy to have seen him again yesterday. We gave him a bag of goods and some cash from an anonymous donor. 

Salamat po, Manong Romeo. Isa kang tunay na bayani!”

Photo from Integrated Center for the Young

Ang kaniyang ginawa ay agad-agad na nag-trending at mayroon ng higit 100k reactions at 60k shares sa Facebook. Siya rin ay nakatanggap ng mga papuri at pagpa-pasalamat mula sa mga netizens. Ang naging kilos ni Manong Romeo ay isa sa mga patunay na hindi hadlang ang estado ng buhay upang makatulong sa ating kapwa. Matatandaan na nag-simula ang ganitong mga uri ng kabutihan noong sinimulan ni Ana Patricia Non ang kaniyang community pantry sa kahabaan ng Maginhawa Street sa Quezon City. 

C:\Users\NEM\Downloads\maxresdefault (2).jpg
   Photo from Rappler

Pagkatapos ng ginawang community pantry ni Ana Non ay nagtuloy-tuloy na ang mga nag-simula rin ng pantry sa buong Pilipinas. 

Ang naging kilos ni Ana ay nag-silbing kislap ng kabutihan na nanguna bilang gabay at inspirasyon na tumulong sa ating mga kapwa Filipino, at isa si Manong Romeo sa nagpa-tuloy ng kabutihang iyon.

Kaya naman, Manong Romeo, kami po ay Saludo sa Inyo!

– Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.