Liza Soberano sinabing hindi para sa kaniya ang pageantry

Liza Soberano sinabing hindi para sa kaniya ang pageantry

Nung nakaraang mga article ay ating napag-usapan ang naging reaksyon ni Liza sa kaniyang mga fans na pumipilit sa kaniya na sumali sa larangan ng pageantry. Ngunit hindi roon natapos ang mga usapin tungkol dito, itong nakaraan lamang ay tuluyan nang nag-salita si Liza Soberano ukol sa usapin ng pageantry sa kaniyang showbiz career. 

Photo from MMK/ ABS-CBN

Ayon kay Liza, ay hindi raw niya magagawang tuparin ang expectations ng mga Pilipino sa Miss Universe o Pageantry, sapagkat masyado itong mataas at ito raw ay hindi para sa kaniya. 

Ang bente tres anyos na aktres ay matatandaang gumanap sa karakter ni Pia Wurtzbach sa MMK noong 2017, ngunit pagkatapos noon, ay unti-unti na rin nag-simula ang mga requests na siya raw ay sumali sa Pageant.

C:\Users\NEM\Downloads\a2894d02db104eb41263a6eaba0b008b.jpg
Photo from Yahoo News

Dahil sa dami ng requests sa kaniya, ay umabot pa sa punto na nagkaroon ng mga f@ke faceb00k page na nakapangalan kay Liza, kung saan nakapost dito na siya ay sasali sa Miss Universe. Agad naman itong nilinaw ni Liza na wala siyang koneksiyon at kinalaman sa nasabing mga faceb00k pages. 

Ngunit hindi pa roon natapos ang pamimilit sa kaniya ng mga fans, kaya naman ay nag-salita na si Liza at nag-bigay ng detalyadong kasagutan sa kaniyang mga fans. 

Ayon kay Liza,

I’m very flattered, nakakakilig na gusto ng mga tao na sumali ako sa Miss Universe, But, like I’ve always said noon pa, I really don’t think it’s for me.”

Dagdag din ni Liza, 

“I get anxiet y when I’m on stage. ‘ASAP’ pa nga lang, sasayaw lang naman ako, hindi naman magsasalita, grabe na ‘yung kaba ko,”

“What more if it was for Miss Universe? I don’t think that I would give justice to everybody’s expectations. I think I would p@ss out on stage.”


Photo from MMK/ ABS-CBN

Photo from MMK/ ABS-CBN

Diniin din ni Liza na mahirap ang Miss Universe o Pageantry, at ang pinaka-malapit na karanasan niya raw dito ay nung gumanap siya bilang si Pia Wurtzbach sa MMK noong 2017, dahil siya ay nag-practice ng training sa Miss U para umacting.

Sabi ni Liza,

“Grabe, ang taas ng heels na sinusuot nila! Ako, hindi ako sanay sa sobrang mataas ng heels, kasi may height na rin ako. Sanay ako sa mababa. When I tried the high heels, I was tripping all the time. Malamang, ‘pag sumali ako sa Miss U, madadapa din ako sa stage, even though may training,”

– Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.