All Star – Filipino Voice Cast (Liza Soberano)  “Trese” Filipino anime, ipapalabas na sa Netflix!

All Star – Filipino Voice Cast (Liza Soberano) “Trese” Filipino anime, ipapalabas na sa Netflix!

Ilang buwan na ang nakalipas simula nung inanunsyo ang pinaka-unang anime sa Netfli x na ba-base sa isang Filipino comic, na may pamagat na “Trese” na gawa nina Budjette Tan at KaJO Baldisimo. 

Ngunit maliban sa pagiging isang Filipino Anime, ang palabas din na ito ay bibigyang buhay at boses ng mga sikat na local na artista at mga Hollywood stars. 

C:\Users\NEM\Downloads\1-163.jpg
Photo from ABS-CBN

Ang Trese ay tungkol sa karakter na si Alexandra Trese, na isang imbestigad0r laban sa mga super natural na mga nilalang na nasa Metro Manila crimin@l underworld. At Itong May 21 lamang ay inilabas ng Netflix ang opisyal na trailer ng “Trese”.

Photo from Netflix

Sa trailer ay ipinakita ang estasyon ng guadalupe at ang karakter na binigyan buhay ni Liza.

Marami ang ikinatuwa ang balitang ito, mula sa kabataan hanggang sa mga propesyonal na mga guro miski ang mga matatanda ay agad nan a-aliw at nasabik sa palabas na ito. Ito’y marahil umiikot ang istorya sa Philippine Folklore na alam naman nating uso sa mga probinsya.

C:\Users\NEM\Downloads\Trese-still.jpg
Photo from Netflix

Ang “Trese” ay ipapalabas din sa iba’t ibang mga bansa kung saan magkakaroon din ito ng iba’t ibang mga dub. Sa kasalukuyan ay inilabas na ang trailer ng palabas sa dub ng Tagalog, English, German, at Japanese.

Isa rin sa mga inaabangan ay ang bo-boses sa English dub nito, sapagkat ang mga tao na magbi-bigay boses dito ay mga Hollywood actors na may lahing Pinoy. Tulad na lamang ni Shay Mitchell.

Narito naman ang Listahan ng iba pang mga artistang Pilipino na magbi-bigay boses sa palabas:

“Simon dela Cruz as Crispin and Basilio, Apollo Abraham as Captain Guerrero, Christopher Carlo Caling as Hank, Christian Velarde as Nuno, and Eugene Adalia as Anton Trese.”

Ang TRESE ay pangungunahan ng respetadong Filipino Director na si Jay Oliva at ipapalabas na sa Net flix ngayong June 11.

– Meridame, 2021

For more updates, Please follow our page.