Sikat ngayon ang Robot ng SM na si Santi, ayon sa SM, si Santi the Robot daw “ay dumating sa mundo para panatilihing malinis ang kapaligiran at ligtas ang mga shoppers”
“He came down to earth to help with the task of making sure that shoppers are safe. Equipped with misting powers, Santi will be disinfecting areas around him with VirusDOC, an FDA-approved disinfectant that it 100% hypoallergenic, non-toxic, and non-corrosive.”
Mukha man na nakatatawa ang deskripsyon ni Santi, ang deskripsyon naman nito ay totoo, si Santi ay ang pinaka unang “in-mall smart robot” na may misyon na mag-linis at mag-disinfect ng kapaligiran.
Si Santi ay ang pangalawang smart robot ng SM, ang una ay si Sam na dumating sa Pilipinas noong 2019 at nag-silbing AI robot na maaari mong kausapin at pag-tanungan ng direksiyon. Kaya naman ay pabirong sabi ng SM na “tinawag daw ni Sam si Santi upang tulungan siya”
Base sa binigay na datos ni SM, si Sam the Robot ay may
“Equipped with a disinfectant which can kill 99.9% of microorganisms within seconds”
Photo from SM
Narito ang ilan sa mga larawan ng paglilibot nina Sam at Santi sa SM.
Caption: Ipinapakilala ni Sam kay Santi ang mga tenants sa mall.
Caption: Dumaan muna sa dining area na may disensyong green at nature friendly ang dalawang robot, bago mag-simula
Caption: Sinamahan na ni Sam si Santi para simulant ang kaniyang misyon.
Caption: ASSEMBLE, Magkasama na ang mga robot ni Sam at Santi upang simulant ang misyon nilang panatilihing malinis at ligtas ang mall.
Si Sam at Santi ay parte ng SM’s campaign, #SafeMallingAtSM, na naglalayong panatilihing ligtas, malinis at masaya ang shopping o mall experience sa kabila ng p@ndemya na ating kinakaharap sa pangkasalukuyan.
– Meridame, 2021
For more updates, Please follow our page.