12 million na halaga bilang regalo sa sarili ni Ivana Alawi

12 million na halaga bilang regalo sa sarili ni Ivana Alawi

Matatandaan nga noong Enero sa taong ito ay ibinahagi ni Ivana ang regalo niya sa kanyang sarili sa kaarawan niya noong December 25, 2020.

Ang regalo na iyon ay isang diamond ring. Ngayon ay naibunyag na ang tunay na halaga nito na nasa 12 million pesos. 

Nakakalula ang halaga ng isang singsing. At ang dahilan sa pagbili ni Ivana sa singsing ay dahil umano pangarap niya iyon na iregalo sa sarili sa kanyang kaarawan. Kaya naman ay pinag-ipunan niya upang mabili ito.

Ayon pa sa sexy actress na hindi na raw niya kailangan maghintay ng lalaki na mag regalo sa kanya ng ganoon. 

Credit Photo:Ivana Alawi/facebook 

Si Ivana ay isang kapamilya star at sikat na vlogger.

Masasabing baguhan pa siya sa showbiz pero agad sumikat dahil sa angking ganda at pagiging totoo sa sarili, lalo na sa kanyang mga vlog sa youtube. 

Credit Photo:kapamilyaonlineworld

May kwento pala ang pagkakaroon ni Ivana ng diamond ring. Ayon sa jewelry maker na si Drake Dustin ng LVNA brandline, nais talaga niya na kunin si Ivana para maging endorser nila.

Kaya pinahanap niya si Ivana at unang tumugon ay ang mommy nito na sa umpisa ay sa IG lamang sila nag-uusap. Gumawa ng diamond ring si Drake at pinangalan itong Vana Moon dahil para talaga ito sa endorser nila na si Ivana.

Parang tinadhana ang pagtatagpo ni Ivana at ang singsing. Noong una ay hindi daw talaga for sale ang singsing na gawa ni Drake pero dahil sa pangarap ito ni Ivana at bilang endorser na rin nila ay ipinagbili na nga niya ito. 

Credit Photo:kapamilyaonlineworld

Deserve naman ni Ivana ang bagay na iyon. Pinaghirapan din naman ni Ivana iyon. At sa laki ng kita niya sa pagiging vlogger at alam naman ng lahat na mayaman ang ama nito ay hindi imposible na ang pangarap niyang diamond ring ay mapapasakanya rin.