2021 Miss Universe Philippines Beatrice  Gomez, a Philippine Navy Reserved bilang Corporal

2021 Miss Universe Philippines Beatrice Gomez, a Philippine Navy Reserved bilang Corporal

Isa ang ating bansa na tinitingala at kilala sa buong mundo pagdating sa beauty pageant. Dahil hindi talaga matatawaran ang kagandahan at talino ng ating mga kalahok. Sa katunayan ilang beses na rin tayo nagwagi sa Miss Universe. Heto at kilalanin natin ang ating pambato sa 70th Miss Universe na gaganapin ngayong December 2021 sa Israel. 

Si Beatrice Luigi Gallarde Gomez, 26. Nagwagi sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2021 pageant. Ipinanganak noong Pebrero 23, 1995 sa San Fernando, Cebu. Isa siyang model, athlete, community developer, worker at military corporal. Nagtapos siya ng Mass Communication sa University of San Jose Recoletos-Cebu. Isa rin siyang volleyball varsity. At kauna-unahang bisexual na nagwagi sa nasabing pageant. 

Credit Photo: Rappler

Nang matapos niya noong Enero 2021 ang Citizen Military course sa Philippine Army Reserved Command-Eastern Visayas ay naging Philippine Navy Reserved Unit bilang Corporal. Ang pinagkakaabalahan ni Beatrice ay boxing, scuba diving at mixed martial arts. Siya ang nagwagi laban sa 27 pang candidates sa Miss Universe Philippines. 

Credit Photo:Manila Bulletin


Hindi basta-basta ang labanan sa pristehiyosong pageant na ito. Dapat may ganda, talino at mabuting kalooban ang kalahok. Lalo na pagdating sa question and answer portion na pinakaaabangan ng lahat. Hindi rin pala madali ang pinagdaanan ni Beatrice. From navy to beauty queen. Dagdag pa nito ang iba pa niyang ginagawa sa buhay. Nakaka-inspire at tiyak maraming humanga sa personalidad ni Beatrice. 

Bilang holder ng korona ay kaakibat nito ang responsibilidad na mai-presenta niya ang sarili at katapat-dapat sa koronang ipanagkaloob sa kanya. Sana ay isang kababayan na naman ang magwagi sa nalalapit na koronasyon sa Israel. 

Credit Photo:Cebu Daily News 

Credit Photo:Cebu Daily News 

Mahahanay kaya si Beatrice nina Margie Moran, Gloria Diaz, Pia Wurtzbach at Catriona Gray? Iyan ang pakakaabangan natin sa Desyembre. Saludo kami sa iyo Beatrice at goodluck sa iyong laban.